Pagsulong sa Agos ng Buhay
Author: admin // Category:
Matagal tagal din akong nawala sa limelight, di ko rin naupdate tong blog na toh for almost 1 month. Maraming nangyari sa mga nagdaan araw. Ilang bagyo ang dumaan sa Pinas, at eto halos isang buwan kaming may baha sa bahay. Nagsimula ang baha sa kasagsagan ng bagyon Ondoy. Halos hangang bewang ang tubig sa lugar namin at sa loob ng bahay.
Isang buwang sakripisyo, walang ilaw, walang kuryente, walang malinis na tubig inumin, walang maayos na cr, mahirap kumuha ng supply ng pagkain at malapit sa mga sakit dala ng dumi at mikrobyo ng baha. Halos araw araw, may dumadaan sa lugar namin na mga truck na puno ng mga relief goods. Halos lahat nanlilimos sa mumunting supot na puno ng bigas, delata, at kung ano ano pa. Maraming nangangailangan. Pantay pantay ang lahat, walang mahirap walang mayaman, lahat dumaranas ng hirap dulot ng baha. Lahat umaasang isang araw matutuyo ang malaking baha.
Ngayon eto sumusulong, natapos ang isang buwang sakripisyo at ngayon ay umaasa na patnunubayan ng Diyos sa bagong pag-asa. Pinipilit na sumulong sa agos ng buhay at nawa'y lahat ng tao sa lugar namin ay makalimutan ang pinsalang hatid ng bagyo at baha.
Lahat nagsisimula ulit na linisin ang paligid at bahay. Lahat nagdarasal na wag nang bumalik ang dating malaking bangungot. Sino ang may kasalanan, sino ang dapat sisihin sa mga nangyari. Kelan mo masisi ang paghihiganti ng Inang Kalikasan?