I made this widget at MyFlashFetish.com.

Buhay ng Isang Jologs na Yuppie

Author: admin // Category: , , , ,
Naalala ko pa nung ako’y nagtapos sa isang sikat na State University sa Maynila. Lingid sa kaalaman ng lahat hindi porket State University eh puro mahihirap ang nagaaral doon. Marami rin mayayaman na sadyang matipid at praktikal sa buhay na mas minabuting magbayad ng murang tuition fee at ibigay sa luho ng katawan ang natitirang yaman. Pagkatapos ng ilang taon..eto ako maituturing ang sarili na isang Batang Propesional (Young Professional). Kumikita na..nabibili na ang lahat ng gusto..nagagawa na ang lahat ng gusting gawin sa buhay.
.
Kadalasan tuwing sasapit ang buwan ng March and April..yan ang panahon kung saan nagkalat ang mga bagong graduates sa Makati o kaya sa Ortigas para magaaply at maghanap ng trabaho. Kadalasan un iba nakacorporate attire..pero ung iba dahil Jologs na Yuppie mas pinili na lang magpolo o polo shirt ang mga lalaki, at t-shirt naman ang mga babae. Lalagyan na lang kunwari ng blazer…taraaaantttt.corporate attire na.
.
Kulang na lang maglulundag sa tuwa kapag natanggap sa trabaho at sabihan ng HR Manager..na “You can start on Monday!”. Tradisyon sa Pilipinas na kapag unang sweldo daw binibigay sa parents..Well ginawa ko naman yun pero hati sympre kelangan mong itreat ang sarili mo eh. Unang pindot sa atm…Ang sarap ng feelings at may trabaho ka na at may income ka na..Paglipas ng ilang taon..Matututo ka nang pahalagahan ang kinita mo..nanjan nagsasave ka na sa bangko.Pero marami pa ring pasaway, porket Yuppie hala sige gastos dito gastos dun. Parang di nauubusan ng pera kagagastos.
.
Kaladasan ang mga young professional ay naguumpukan sa iba’t ibang bars/disco bar tuwing payday or bonus day. Lasingan dito, sayawan, and even dating..yan ang Forte ng isang Jologs na Yuppie. Parang wala nang bukas kung magsaya lalo na at tatapat ang sweldo sa Friday.
.
May mga mababait na anak na madalas nagggrocery para sa family. O kaya kapag sweldo niyaya ang family o kaya ang shota na kumain sa isang “fine dining restaurant. Dahil may pera..hala sige order lang ng order. Walang kabusugan, Lahat ng Hindi natitikman nuong nagaaral pa..bibilin lahat makain lang. PG..na kung PG..as in patay-gutom..walang pakilalam..marami akong pera eh.
.
Natututo rin mangutang ang ibang Jologs na Yuppie. Malakas ang loob kasi may hinihintay na sweldo every 15th and 30th of the month. Kaya ayan kahit sinong credit card company na nagaalok..kuha lang ng kuha..The more credit cards you have.mas sikat ka at bigtime ka. Pero sana isipin din natin na baka dumating sa point na mabaon tayo sa utang. Kaya konting tipid lang ang payo rito.
.
May mga jologs na pasosyal effect na..Kaya tuwing sweldo, shopping to the max, bili ng kung ano ano. Ang iba naman, nagagawa nang magpunta sa massage center..foot and body massage. Eto ang kadalasang service na inaavail ng mga Yuppies. Ang iba naman nagpaparebond, nagpapafacial, bleaching, wart remove at maraming pang ibang uri ng pampaganda. Basta may pera..hala sige gastos.
.
Tuwing sasapit ang Summer, ang mga Jologs na Yuppie, nagkalat sa ibat’t ibang resort. The more na mas malayo ang napuntahan mo, the more na sikat ka. Kadalasan naguumpukan sa Boracay, Puerto Galera, Baguio at Laiya. Kahit wala ka nang mapwestuhan sa sea shore ok lang basta makapagbakasyon ka lang. Yung iba pa nga mas pinipili pang mag out-of-the country para mas sosyal ang dating.
.
Marami pa ring Jologs na Yuppie na mas pinipiling pagandahin at pangalagaan ang kalusugan nila kaya dito na lang nila dinadala ang mga sweldo nila. Yung iba natututo nang magenroll sa mga gym at magpaganda ng katawan. Dumating pa nga sa point na naging uso ang badminton sa buong makati at ortigas. Kaliwat kanan ang mga naitayong badminton gym. Halos lahat ng mga professionals natuto at nakibagay sa sports na to.
.
Pero ang pinakaimportante sa lahat, kahit isang Jologs na Yuppie lang ay marunong pa rin sa buhay. Future agad ang iniisip. At dahil may trabaho na, natututo ng iangat ang status ng buhay, nandyan at nakakabili na ng bahay/lupa at kotse. Kadalasan kasi may mga Benefits or Loan facility na available sa mga company na pinapasukan ng mga Yuppies.

.
Sa mga nabasa mo..alam ko matatawa ka at maiisip mo na…teka parang ako yan ha. So ngayon masasabi mo naba sa sarili mo na isa kang tunay na JOLOGS NA YUPPIE?!?
.

3 Responses to "Buhay ng Isang Jologs na Yuppie"

Anonymous Says :
April 10, 2009 at 4:37 PM

So i must say na im a Certified Jologs na Yuppie. Nice post crisiboy. I love it. Tinamaan ako ng husto..bwahahaha

Anonymous Says :
April 10, 2009 at 4:38 PM

I use to make gastos before specially noong fresh graduate pa ako. pero now ive learn to save for the future.

admin Says :
April 11, 2009 at 1:53 PM

Actually ako rin naman magastos before..pero mas magastos ako ngayon.hehehe pero i used to manage my expenses na rin and at the same time to save for my future.

Post a Comment