Buhay Probinsya
Author: admin // Category: life story, Lifestyle, personal, sentiment, summer escapades
.
Ilang taon na rin ang nakararaan nang ako’y huling umuwi at magbakasyon sa aming probinsya sa Zambales. Eto ako ngayon at muling binisita at inalala ang aking mga magandang alaala dito sa bayan ng Sta. Cruz lalo nung ako ay kabataan pa. Mula sa 6 na oras na byahe galing Maynila, habang binabagtas namin ang daan..ilang kilometro na lang ay malapit na sa aming mumunting bahay. Banaag ko ang malaking pagbabago at pag-unlad ng nasabing lugar. Hindi ko na halos matandaan ang mga palatandaan na malapit na kami sa aming bababaan dahil sa dami ng mga bahay na nakatayo sa paligid. Ang dating puro puno ng saging, at masukal na kagubatan, ngayon napalitan na ng dikit dikit at naguumpugang mga bahay.
.
Minsan naiisip ko, masarap pa rin mamuhay sa probinsya. Sabi nga nila, malayo sa usok, sa polusyon, sa ingay at sa gulo na rin. Bagamat dikit dikit na ang mga bahay dito. Bakas pa rin ang katahimikan ng paligid na animoy lahat ay nahihimbing sa pagtulog kahit katirikan ng araw sa tanghali. Pagbaba pa lang ng sinasakyan naming bus, bumungad na sa amin ang mga tiyahin at mga pinsan ko na minsa’y naging kasama ko sa aking paglaki.Pinagmasdan ko ang lupang minana pa namin sa aming mga lolo at lola. Nakakamiss ng husto ang Lipay. Una ko agad tinanong kung papaano pumunta sa dagat na halos lagi ko nang nakagawiang puntahan kapag nagbabakasyon ako duon.
.
Ilang minuto lamang ay narating na namin ang dagat. Kay sarap ng simoy ng hangin, walang katao tao na animo’y iyong iyo ang lugar. Palatandaan sa akin ang malaking bato sa gitna ng dagat na kung tawagin at Bato ni Barang. Sympre, malilimutan ba naming ang lagi na naming kinagawian pag pumupunta ako sa dagat na iyon… yun ay ang manguha ng mga shells at mga bato. Pagsapit ng hapon, napilitan na kaming umuwi baka kasi kami abutin ng dilim sa daan. Sa lugar na iyon, wala pa rin pagbabago. Ganun pa rin ang lubak lubak na daan at masukal na kagubatan. Sa katahimikan ng lugar, di pa rin maiwasan ng magpipinsan na magkatakutan sa kung anuanong engkanto at aswang ang nagpapakita at nagpaparamdam duon.
.
Pagsapit ng gabi, ang mga inaabangang kong mga pagkaing probinsya ang nadatnan naming sa hapag kainan. Samut saring isdang malalaki, mga gulay na at iba pang kakanin na minsan ko lang makain sa Maynila. Natawa na lang ako ng sabihin sa akin ng pinsan ko na sa bayan daw ay may internet na. Siguro nga kahit sino at kahit saan ay may pagbabago na rin at may konting pagunlad. Ang tao kasi ay patuloy na natututo at patuloy pa rin uunlad. Kayat heto ako nagawa ko pa rin maginternet ang magpost ng entry sa blog ko.
.
Sa 3 araw na pamamalagi ko sa lugar na ito. Marami akong mamimiss. Naisip ko rin na minsan hindi naman talaga kailangan ng tao ang karangyaan para mamuhay. Nasasaatin lang kung papaano tyo mamumuhay ng simple ngunit masaya. Pagbalik ko sa amin sa Maynila, babaunin ko ang isang magandang alaala. Isang simpleng pamumuhay. Isang payapang paglalakbay..at ito ay ang Buhay Probinsya!
.
hi there, thanks for visiting my blog..jijiji ang ganda ng lugar nyo...nainggit ako at namiss ko din ganitong environment...
masarap magbakasyon sa probinsya...payapa and mas malinis ang hangin di hamak sa Maynila... mas magaganda pa ang tanawin ^_^ i love nature hehe.
"There's no place like home"...jijijijijiji
Sta. Cruz ka pre? San Felipe mother ko pre...pero bihira na kami pumunta dun...
oy brods pala tau hehe
na add na kita, add me back ha and im following you on twitter na rin.
mmm, about anawangin, well kung mag island hop kau, pick the bangka na malapad kasi medyo maalon ang dagat kahit normal weather, also pick the one na may roofing hehe or wear a sunblock kasi di mo mapapansin pero nasusunog na pala balat mo haha
the islands are really good, di kasi crowded. I recommend checking in at Pundakit kasi yun ata ang best resort compared sa iba hehe. also, you should bring a really good camera pero put it in a very protected, water proof bag.
ayt ayt? happy summer bro!
Pare masarap talagang balikan ang lugar na kinalakihan mo...o mkahit ilang lugar na napuntahan mo noong bata ka pa..bumabalik ang mga alaala..nakakasikip ng dibdib kung minsan parang gusto mong balikan ang nakaraan.
Crisiboy,
Maigi talaga mamuhay sa probinsya lalo na kung dito ang masayang pinangaligan natin. Nakakapanibago lang dahil masyado ng maraming tao na dayo. Ganyan din sa probinsya ng ina ko. Masyado ng maraming bagong tao na kung saan saan pa nagaling. Marami ng mga iskuwater na peste.
Bukod diyan at samalat na lang at may naiiwan pang lugar na di pa puloted. Kaya, Crisiboy, hanng't maari, i-enjoy natin ang atin mahal na lugar habang may ala-ala pa ng ating kinagisnan.
Nice blog!
kayganda ng mga larawan...payapa at parang nalalanghap ko ang malinis na hangin, ayan nahawa na ko...
Parang therapy ang probinsiya, lalo na kapag galing ka ng Maynila,haaayy ang sarap matulog sa duyan sa lilim ng puno, ang sarap manood ng sunset habang nakaupo sa dalampasigan...
ako din po lumaki sa buhay probinsiya:D
@Lord..pre magkababayan pala tyo kung gayun..lapit lang san felipe..kami rin bibihira rin umuwi sa sta.cruz..ngayon na lang ulit..
@dennis...uyy pre salamat sa mga advise mo..yap next week punta kami anawangin..ung pundakit ba part pa rin ng anawangin..sige susundin namin advise mo..balik na naman ako zambales nito..kasama ko kasi mga officemate ko..
..naadd na kita sa blog roll ko..salamat ulit sa mga advise...tunay kang iskolar ng bayan.hehe
@donster...oo sarap talaga dun..sobrang sariwa pa hangin..lalo na ung malapit sa dagat.iyong iyo pa ang dagat..nakakalula kasi sobrang lawak tapos kayo lang ang tao.
@meryl...miss nature lover ka pala ha..pareho tyo.
@xprosaic...tumpak! theres no place like home..sarap magbakasyon..kung pede lang 3 buwan magbakasyon ginawa ko na..kaso may trabaho eh..kelangan kumayod..hehe
@mokong..pare namiss ko talaga kabataan ko dun nung bumalik ako..pati ung mga laruan namin ng mga pinsan ko dun.
@filamboy..sa lugar namin sila sila pa rin naman ang tao..ung nga lang ung iba umunlad na at ang dating kubo nilang bahay..bahay na bato na ngayon pero marami pa rin lugar na hindi pa nagagalaw kaya mapuno pa rin kahit papaano
Kung ako ang uuwi sa probinsya kulang ang tatlong araw lalo na kung ganyang may napakagandang dagat ba yan o ilog?
Kung doon nga sa probinsya ng nanay ko na bulubundukin e may internet na dyan pa ka sa Zambales na nasa kapatagan pa :)...maganda nga daw dyan.
Teka, ilang taon ka na ba? para namang ang tanda mo na nung sinabi mo "ng aking kabataan" lol!
@deth.. un ang masarap sa probinsya ung tingan ung sunset.sayang na nga lamang di ko nakunan ung sunset kasi kelangan na namin umuwi dahil di kami pede abutan ng dilim sa kagubatan..baka may aswang..hahaha
miss manila girl..nagulat lang naman ako na may internet na sa lugar namin.hehehe
proud to say 28 na po..di pa naman matanda..pero un ang dapat kong gamitin na word..kabataan as in nung alaala ko nuon mga 5-12 years old ako tuwing nagbabakasyon kami dun..hehehe
hmmfff...nainggit na nmn ako sa bakasyon mo..ehehe....nakakamiss na ang nature-trip..dito kase eh panay buhangin lang..tsktsk..
@jenskee...yaan mo pag may time ka na bakasyon ka lang anywhere in the phils..masarap tlaga magnature tripping..hehehe
BEACH LOVER ako kaya everytime nakakakita ako ng beach sa mga blogs, unti unti akong nalulunod sa pagbabasa nito. Ganda! Hindi pa ako nagagawi sa mga provinces ng Luzon. Hanggang Maynila lang tlga but i heard plenty of beautiful stories about Luzon provinces and i do wish to be there and see it for myself. BTW, i have linked you to my site already. Thanks.
pareng olan maraming magagandang beaches sa batangas..try mo nang suyurin ang laiya baitangas..sobrang ganda dun..then next stop mo at subic and then all along zambales sobrang daming beaches dun..tnx sa link..
Ang sarap mamuhay sa probinsya! Malaya, tahimik at di gaanong mabilis ang pacing kesa sa MAnila. Alam ko kasi sa Manila ako lumaki pero ngayon sa province na kami..
At ang ganda talaga ng Zambalez!!!
@dylan..san province po kayo..maganda talaga ang zambales...
buti ka pa nakauwi na, sabagay malapit lang ang sambales, medyo matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi sa aking lupang sinilangan aheheheks,... taga norte ako kayat mejo kailangan ang mahabahabang bakasyon kapag umuwi.
I miss the peaceful and beautiful scenery minus the polluted air, crowded corridor, traffic and so on and so on....
Ang ganda pala ng probinsya nyo bro..I love beach..sana makapunta ako sa probinsya ninyo..
nakakainggit naman province mo, ako nueva ecija eh, puro palayan LOL
para nga ang sarap tumira sa probinsya no
Make or Break
Iba pa rin talaga ang buhay probinsya... Hehe :)
Saya!
@ruphael...tara bro bakasyon ulit tyo samin..maganda beach dun..hehehe
@pehpot..maganda rin naman ang palayan..mahangin pero nakakaitim..buhay probinsya rin pag ganun..
@rhodey..uwi ka na sa inyo..bakasyon ka na at langhapin mo na ang sariwang hangin..
@lionheart..sobrang sya..nakakamiss talaga..lalo na pag aalis ka na sa lugar na un..nakakalungkot..huhuhuhu
sarap dyan sa zambales. every summer dyan kami punta. kya lang now 2 yirs nkmi di nkakapunta.
@hari ng sablay...pare taga zambales din ba kayo???