Its summer time and bakasyon na naman. Sympre graduation season ngayon at sa kabila ng world crisis or recession na nararanasan ng buong mundo ngayon eh hindi mo pa rin mapipigilan ang mga estudyante na magtapos sa kolehiyo.
.
Kaawa awang mga estudyante, natiming na world crisis ngayon kaya magexpect kayo kung dati mahirap maghanap ng trabaho ngayon ay wala nang mahahanap na trabaho. Nakalulungkot isipin na lalaki na naman ang statistics ng mga walang trabaho sa Pilipinas.
.
Sa kabilang banda, gusto ko rin naman kayong icongratulate kasi graduate na kayo. Hindi biro ang magsunog ng kilay sa college at lagpasan ang mga pasakit na dulot ng mga professors nyo. Of course, naranasan ko yan kaya alam ko ang pakiramdam during graduation day.
.
At sa 2 buwang magdadadaan, marami na naman akong makikitang palakad lakad sa Ayala at Makati na mga umpukan ng mga applicante na may dalang resume. Kapag nakita mo ang itsura na mejo bata pa, maiingay at may dalang brown folder o di kaya plastic folder, alam mo nang nagaaply yun at may dalang resume na iniiwasang malukot.
.
Walong taon na rin simula nang akoy magsimulang magtrabaho. Sa kabutihang palad bagamat Business Ad ang natapos ko eh nalinya ako sa banking industry. Sa kabuuna, 3 bangko na pala ang napasukan ko. Well madali lang naman maging bangkero.. Un nga lang konting ingat. And gusto ko lang ituwid ang mga tsismisan sa kanto naming na hindi porket sa bangko ka nagttrabaho eh bigtime ka na or malaki na ang sweldo mo. Sa katunayan ang bangko nga yata ang pinakamaliit na magpasweldo sa mga empleyado. Bumabawi na lang sila sa mga benepisyo at iba pang compensation package. Nang ako ay lumipat sa isang foreign bank..dun nagsimula ang magandang takbo ng career ko.
.
Sa walong taon kong pagttrabaho, marami na rin akong natutunan at nalampasan na unos sa aking career.
.
- Isa sa mabisang paraan para mapansin ka ng boss mo ay pumasok ka ng maaga sa trabaho. Lagi mong ipakita ang enthusiasm mo sa work. In short lagi kang magpabibo at magpretend ka na alam mo lahat. Bukas makalawa promoted ka na.
- Lagi mong ichecheck mabuti ang payslip mo kasi baka di mo alam mali na pala ang napasweldo syo. Ok lang sana kung sumobra sa credit ng amount. Ang mahirap jan kung kulang or mali ang kaltas syo.
- Huwag na huwag kang magpapaapekto sa boss mo. Kung ang boss mo ay wala sa mood. Pag nagpadamay ka..sira na rin ang buong araw mo. Mawawalan ka na ng ganang magtrabaho at lagi mong ipagdadasal n asana ay 5:30 na para uwian na.
- Kapag workaholic ang drama mo, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mo na nagiisa sa tuktok. The more na umaakyat ang posisyon mo. The more na mararanasan mo ang lungkot. Asahan mo the more na tumataas ka, the more na iiwasan ka at walang sasabay syo maglunch o umuwi.
- Kapag napromote ka from staff to officer, wag na wag mong papangarapin na maging staff ang mga kasabayan mo na naging barkada at kaibigan mo na. Mind you hinding hindi kayo magkakasundo sa trabaho at kawawa ka kasi hindi mo sila mapapasunod sa ibang bagay dahil datidati magkakabatukan at magkakagimikan lang kayo.
- Hindi sapat na magaling ka lang sa trabaho mo. Dapat marunong ka rin makibagay. Sobrang lungkot magisa sa office lalo na pag wala kang kakampi sa mga bagay na gusto mong ihingi ng pagbabago.
- Kung sa mga job interview, kung sasagot ka ng oo ay pangangatawanan mo. Magsasayang ka lang ng panahon kung sasabihin mong kaya mong magraveyard shift kung hindi naman pala totoo.
- Kahit saang kumpanya ka pumunta, hindi pa rin mawawala ang pulitika sa opisina.
Walang perpektong trabaho, kahit saang kumpanya ka rin pumunta, maihahanap at maihahanap mo pa rin ito ng butas o ng weakness na ikakasanhi ng pagalis mo sa work. In short, minsan matuto ka rin makuntento kung ano ang meron sa kumpanya mo at iwasan mong icompare ang company mo sa ibang companya. - Hindi mawawala ang tsismisan sa opisina, pustahan tayo lahat kayo sa opisina nyo eh may mga baho na tinatago na maaaring alam ng ibang tao na hindi mo alam. Kanya kanyang drama sa buhay ang importante wag kang makialam ng buhay ng may buhay dahil hindi ka pinapasweldo ng kumpanya para makipagchismisan ka lang.
- Totoo ang sabi nila, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi pa rin nila kayang suklian ito syo.
- At Kung boss ka, huwag na huwag mong pipigilan ang mga nagnanais na umalis sa kumpanya. Manghahawa lang yan sa kapootan nila at sa hindi pagiging mabuting empleyado.
- Mahalin mo ang trabaho mo kahit nahihirapan ka na, mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, ang sistema “last in-1st out”, sige ka baka maranasan mo yan pag lumipat ka pa ng ibang kumpanya.
- Higit sa lahat, paggising mo sa umaga, magpasalamat ka sa Diyos at kahit tamad na tamad ka pumasok eh may trabaho ka pa rin at may pantulong ka pa rin sa pamilya mo.
Sa mga graduates.. Congratulations! Goodluck! and welcome to Jologs na Yuppie Club!
hahaha...kakatawa naman nito..i enjoy it.
the most important here is to love you job and be thankful that you have the job.
hahahaha..lahat ba tyo ay may bahong tinatago.. ikaw crisiboy ano baho tinatago mo.
correct ka jan pareng allan.kelangan mo mahalin trabaho mo kasi baka bukas pag gising mo wala ka nang trabaho..wag naman sana
baho???hmmm...wala naman siguro naliligo naman ako araw araw eh..hehehe