I made this widget at MyFlashFetish.com.

Mga Pilosopiya ng Pinoy sa Pag-ibig

Author: admin // Category: ,
Nakuha ko to sa isang Friendster Bulletin and Facebook notes ng isang kaibigan. Nasisigurado ko na lahat tayo ay makakarelate sa mga punto per punto at alam kong iba sa atin ay naranasan na o kaya ay nararanasan na ang mga sumusunod...
.
.
MGA PILOSOPIYA NG PINOY SA PAG-IBIG
(Some content may not be for minor reading)
.
1."Kung hindi mo mahal ang isang tao,wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya…"
.
2."Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
.
3."Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
.
4."Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
.
5."Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
.
6."Kung maghihintay ka lang nang lalandi sayo,walang magyayari sa buhay mo… dapat lumandi ka din."
.
7."Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang." -
.
8."Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
.
9."Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… kaya quits lang."
.
10."Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman mgmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
.
11."Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausapsa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantu sawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang Friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
.
12."Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo,lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumiling kapareha dahil lang sa maganda o nakakalibog ito. Totoong mas maganda ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon,maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
.
13."Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
.
14."Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang yung bida sa script na pinili nya."
.
15."Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap muli ang taong tinalikuran mo."
.
16."Mas mabuting mabigo sa paggawa sa isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
.
17."Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan." ---
.
18. "Kung nagmahal ka ng taong hindi dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo.Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.Ngayon kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka parin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ mo ang mga sama ng loob mo sa buhay. Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak,atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!."
.
19."Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at pag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka…"
.
.
Ngayon sabihin mo sa akin kung anong ang pilosopiya mo sa buhay pag-ibig..

10 Responses to "Mga Pilosopiya ng Pinoy sa Pag-ibig"

Unknown Says :
April 21, 2009 at 1:01 AM

This is all by Bob Ong, right?

admin Says :
April 21, 2009 at 1:18 AM

Di ko alam bro..kita ko lang nakapost sa bulletin ko eh..hehehe

PaJAY Says :
April 21, 2009 at 1:34 AM

Bob ONg fanatico ka pala parekoy...magkakasundo kayo ni kosa....hehehehe

PaJAY Says :
April 21, 2009 at 1:36 AM

eto parekoy meron ako...pero hindi to galing kay BOB ong.....hehehe..

"Dibale ng may hiwalayan,bastat nagkatikiman"....lolz..

admin Says :
April 21, 2009 at 1:46 AM

pareng pajay napatawa ako jan ha..dibale ng may hiwalayan, basta nagkatikiman..hahaha ayos yan..sige dugtungan natin ng..pagnagkatikiman..dapat hangang dun lang..tapos na pero pede pa rin ulitin..bwahahaha

Badong Says :
April 21, 2009 at 5:32 AM

maganda yung number 10! haha. di ko naisip yun ah..

byter Says :
April 21, 2009 at 10:43 AM

aha...aha...ganun ba yun? angh hirap naman parang ayaw ko nag mag-lab tuloy...

komento mula sa Tambayan Ni Byter

Anonymous Says :
April 21, 2009 at 11:14 AM

wahahahaha... ang elevator kahit puno man sya,, babalik at babalik din yan at makakasakay ka.. :)

admin Says :
April 21, 2009 at 11:53 AM

Pareng Badong sabi nga nila true love daw ung sa taong pinagpalit mo sa mahal mo..kasi nga hindi ka naman maghahahanap ng iba kung talagang mahal mo ng original love mo..hahaha

admin Says :
April 21, 2009 at 11:53 AM

kox, kahit magsiksikan pa sa elevator..ok lang..hahaha

Post a Comment