I made this widget at MyFlashFetish.com.

Pera o Kaligayahan

Author: admin // Category: , ,
Gusto ko lang ishare sa inyo ang isang nakatutuwang story o artikulo mula sa isang schoolmate. Itago na lang natin sya sa pangalang Arwen. Bagamat mahaba ang story, naway pagtyagaan nyo sanang basahin dahil sinisigurado ko sa inyong kapupulutan ito ng magandang aral sa buhay.Habang binabasa ko ang kanyang kwento ay hindi ko maiwasan mapangiti at naisip ko na minsan ay nagkaroon ng ito ng pagkakahawig sa buhay ko..Sundan natin ang kwento. .
.
*******
.
Nag-away kami ng nanay ko nung isang araw.
.
Ang topic? Pera. Nanghihingi kasi siya nang pambayad sa planstadora, at walang maibigay ang tatay ko, dahil 'di pa daw suweldo. At siyempre, dahil nagtatrabaho na 'ko, sa akin siya humingi. Nagkataon namang 'di pa rin ako sumu-suweldo, at malapit nang maubos ang ni-withdraw kong pera.
.
Kaya kalaunan, nagreklamo siya dahil kulang daw ang binibigay sa kanya para pang-budget sa bahay. Kesyo daw gipit siya sa pamalengke, pang-grocery at pambayad sa kuryente, tubig at iba pang bayarin. Kesyo daw na kami 'yung nagta-trabaho, kaya dapat nagbibigay kami sa bahay. Kesyo kami daw 'yung maraming magpalaba at magpa-plantsa. Kesyo daw dahil mahina ang exports (kung saan nagta-trabaho ang tatay ko), hirap na kami.
.
Medyo uminit na ang ulo ko. Sabi ko, nagbibigay naman ako nang hinihingi niya (ako kasi ang sumasagot ng tubig at panggrocery). Natigil lang kasi ngayon lang ulit ako nagtrabaho. At ako ang sumasagot sa pang-tuition naming magkapatid. Tutal, nakakaluwang naman kami.
.
Alam niyo ba ang hirit ng nanay ko? Kasi daw 'di ako kumuha ng trabahong mas malaki ang kita.
.
Simula nang nagtrabaho ako, hindi naging issue sa akin ang kikitain ko. Actually, ipinangako ko 'yun sa sarili ko. Ayokong maging pera ang dahilan ng pagtanggap ko sa isang trabaho. Mas gugustuhin kong kumuha ng trabaho na magagamit ko ang pinag-aralan ko (at kung mapapabuti pa 'ko nito), at kung may magagawa akong kapaki-pakinabang. Career growth over compensation, kumbaga.
.
Tutal, 'di naman ako nahihirapang maghanap ng trabaho. Salamat sa degree kong mula sa UP at ilan sa mga extra-curricular activities, astig ang dating ng resume ko. Okay din naman ang mga employment exams at interviews ko, kaya madali sa aking makakuha ng trabaho.
.
Naniniwala din kasi akong kasabay ng career growth at prestige na sinasabi ko, darating din 'yung compensation. Sabi nga ng tatay ko, bata pa ako. Experience muna ang habulin ko bago ang suweldo. Handa din naman akong maghintay.
.
Pero mukhang 'yung mga nakapaligid sa'kin, hindi.
.
Noong nag-a-apply ako ng trabaho, marami din namang nag-interview sa'kin. Hanggang ngayong may trabaho na 'ko, may mga tumatawag pa sa'kin. Isa dito ay isang istasyon ng telebisyon kung saan ni-rekomenda ako ng tiyahin ko bilang researcher. Tinatawagan nila ko para mag-exam. Siyempre, paano ko naman sisiputin 'yun, kaya sabi ko 'di ko alam kung kailan ako puwede.
.
Kinukuwento sa'kin ng tiyahin ko kung ano daw yung mga perks and benefits ng trabahong 'yun. Kesyo daw may free make-over, pa-kotse, bonuses, at mga complimentary passes pa sa mga restaurant, pelikula at concerts. At makikita mo pa at magiging ka-close ang mga artista.
.
Meron ding isang kumpanyang bahagi ng industry ng tatay ko na kumuha sa'kin. Dito daw, pag nag-travel ka, pinakamalapit na ang Hong Kong. Puwede ka pa daw makarating ng Amerika. Syempre, malaki din ang suweldo at ang opisina sa Makati. Yuppie talaga ang dating mo. Pero tinanggihan ko lahat 'yun.
.
Ayaw lang siguro iparinig sa'kin ng nanay ko, pero siguro iniisip niyang baliw ako para tanggihan ang lahat nang 'yun at tanggapin ang trabaho ko ngayon—sa isang ahensya ng gobyerno, sa 'di naman kalakihang suweldo at gipit na oras, pero napakalaki naman ng pagkakataon for career growth at prestige, mabilis ang promotion, at instantly marketable pa sa ibang international organizations.
.
Iniisip niya sigurong baliw ako dahil mas pinili ko ang maglingkod sa bayan kaysa ang bulsa ko. Na mas pinili ko ang magkulong sa isang opisinang badbad sa burukrasya kaysa makipagbeso-beso sa mga artista, maging yuppie at kumita ng malaki.
.
Pero anong magagawa ko? Dito ako masaya. Masaya akong paglingkuran ang bayang nagbayad ng tuition ko bilang Iskolar ng Bayan. Masaya ako sa dito sa trabaho kong nabibigyan ako nang kalayaan ng oras at panahon. Masaya ako at nakakatulong ako sa pagbuo ng mga paraan para umunlad ang mga mas hirap at maliliit pa sa akin.
.
Sana lang, dasal ko, maintindihan 'yun ng nanay ko.
.
*******
.
Eto lang ang masasabi ko para sa mga taong ginagawa ang gusto nila. At sa mga taong naglilingkod sa kapwa. Minsan talaga hindi nasusukat ng pera ang anumang kaligayahang nakukuha mo sa isang bagay na gusto mong gawin. Kaya sa mga gumagawa nito..Mabuhay kayo!!!

14 Responses to "Pera o Kaligayahan"

2ngaw Says :
April 14, 2009 at 7:30 AM

Tama nga naman ung kwento nya at ung opinyon nya...kung saan ka maligaya dun ka...

SANA NGA LANG WALANG NAKAPALIGID SA ATIN NA MAHAL NATIN...dahil pag nagkataon, sarili mo lang ang napapasaya mo at kaawa awa ang mga mahal mo...

Kuha mo ibig ko sabihin? Sa isang taong walang nakapaligid sa kanya o walang importanteng tao para sa kanya o mahal nya, ok lang un na kung ano ung makakapagpasaya sayo dun ka na lang...pero sa mga taong meron umaasa, meron minamahal, sa tingin mo okey pa kaya na maging makasarili ka?

Sa kaligayahang nakukuha mo kapag nagagawa mo ung gusto mo ay okey sayo, sa mga mahal mo kaya?...Okey din kaya un? maligaya kaya sila?...

manilenya Says :
April 14, 2009 at 9:49 AM

Hmnn.. ano ang ibig sabihin ng badbad? pagkakaintindi ko e puno, like puno ng burokrasya?
pwede mo ba kong itama? :P

mahusay ang nagkwento... two thumbs up :)

Xprosaic Says :
April 14, 2009 at 11:08 AM

Hahahhahaha...same here! kaligayahan muna bago pera jijijiji

Enhenyero Says :
April 14, 2009 at 2:55 PM

dapat ngang kahangaan ang ganyang mga prensipyo sa buhay.

admin Says :
April 14, 2009 at 10:34 PM

hi manilenya..yap typo error lang siguro ako di ko naedit nung pinost ko sya..ur r ryt..babad un istead of badbad na ang ibig sabihin ay puno ng burokrasya...thank you sa pagcorrect mo..

admin Says :
April 14, 2009 at 10:40 PM

pareng lord tama ka rin naman sa opinyon mo..as in may point ka!..pano nga naman kung may nakapaligid ka na mahal mo..at lalo na ikaw ang inaasahan..mahirap nga minsan na isipin ang pansariling kaligayahan habang may naapektuhan na iba..

sa pagaanalyze ko sa estado ng ngsulat ng kuwentong ito..napansin ko na baka hindi mahirap ang may-akda kasi nagagawa nilang magpaplansta sa planstadora at magpalaba sa ibang tao..it means hindi masyadong kaproblemahan sa kanila ang pera..natiming lang na kinapost lang sila..

ibig sigurong ipunto ng mayakda dito na ang buhay nila ay hindi ganun kahirap kaya mas pinili nya ang kaligayahan kesa ang pera..

haba ng explanation ko..hehehe

Ruel Says :
April 15, 2009 at 12:06 AM

Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi tayo makakakilos kung walang pera..Kaya sa palagay ko mas importante pa rin 'yung pera (mukha ba akong pera?hehe). Isipin mo, hindi ka pwedeng magblogging kung wala kang pera..At kung hindi ka makapag blogging hindi ka sasaya..hehe

manilenya Says :
April 15, 2009 at 12:10 AM

lol! hindi po kita kinocorrect, ako ang nagpapacorrect...tama ang badbad, katulad ng badbad man ng kalungkutan o kahirapan, ngayon bigla akong napatanong, so nagtatrabaho ka sa isa sa mga ahensya ng pamahalaan? korek po ba ko? :P ang gobyerno kasi e punong puno ng burokrasya...kung totoo man yun, nakatutuwa naman na kahit na punong puno ng burokrasya e, pagtulong pa rin sa iba ang nasa isip ng karakter sa kwento mo.

EngrMoks Says :
April 15, 2009 at 12:19 AM

Hindi nabibili ng pera kahit gaanu pa man kalaki yan, ang kaligayahan ng tao...

Kung tama ang tinatahak mong goal/purpose in life, kaligayahan ang makakamtan mo. Happiness is not the opposite of sadness, dahil ang happiness ang kabaligtaran ng Fear!

admin Says :
April 15, 2009 at 12:47 AM

dearest manilenya, kahit man ako ay napatawa sa aking pagcocorrect sa babad instead of babad..huli na ang lahat ng masearch ko ang ibig sabihin ng badbad dahil napost ko na ang reply ko sa comment mo..hehehe...ako po ay hindi nagttrabaho sa isang ahensya ng gobyerno. Kung mamarapatin mong tingnan at pagnilaynilayan ang sinasabi ng profile ko..ngayon sasabihin ko sayo na ako ay isang hamak na bangkero na nagttrabaho sa isang dayuhang bangko sa Lungsod ng Makati..hehehe

Mabalik tyo sa kwento ng aking kaibigan...Un nga lamang ang kagandahan..bagamat punong puno ng burokrasya..nakatutuwa man isipin pero sa tingin ko'y pera ang nasa isip ng karakter sa kwento..lol!!

admin Says :
April 15, 2009 at 12:49 AM

To Sir Ruphael---sobra akong natuwa sa iyong comento..kahit man akoy pipiliin ko ang pera kung praktikal at sa praktikal lang ang usapan natin..malaki ang nagagawa sa atin ng pera at tama ka..kung tayo ay may pera..maari nating makuha ang kaligayahan ng lubos pa sa iniisip natin..salamat ulit sa email at tulong mo about dun sa inquiry ko syo..Mabuhay ka!

admin Says :
April 15, 2009 at 12:52 AM

Pareng Mokong...relax ka lang!! chill!..punto per punto ang usapan dito..mahalagang malaman ng lahat na ang opinyon mo ang syang gusto mong igiid..tandaan natin..tayo ang magpapatakbo ng buhay natin at tayo rin ang makakahanap ng solusyon kung papaano natin makakamtan ang kaligayahang ninanais natin..

byter Says :
April 18, 2009 at 10:15 AM

hindi ba pwedeng both...? hirap kayang maging masaya kapag wala kang pera. wlang pambili ng pagkain, pang-internet, pambili ng pirated na dvd, pamasahe, pang sine at kung anu-ano pang anik-anik sa world wide earth.

admin Says :
April 19, 2009 at 9:10 PM

byter may punto ka..mas maganda nga sigurong pareho na lang kasi parehong kailang ung 2 nowadays..

Post a Comment