.
Lubos akong nabahala at natakot sa nabalitaan ngayon sa tv hingil sa pagdating ng A H1N1 Virus o iyong tinatawag nating Swine Virus. Matatandaan natin na nagsimula ang nakamamatay na virus sa bansang Mexico, hangang sa ito ay kumalat sa iba't ibang bansa. Ngayon nandito na sa Pilipinas.
.
Inihayag kahapon ni Department of Health Secretary Francisco Duque and unang insidente ng Swine Virus sa Pilipinas. Isang 10-year-old na babae kasamang umuwi ng magulang sa Pilipinas galing sa isang bansa na may kaso ng nasabing virus.
.
Dumaan sa iba't ibang pagsusuri at examinations ang bata hangang sa maconfirmed na carrier nga ito ng Swine Virus. Ngayon at binibigyan ng ibat ibang gamot ang bata upang ito ay gumaling. Base sa huling report, nawala na ang lagnat at ubo ng bata ngunit mayroon pa rin itong sore throat.
.
Ngayon nalaman na natin na nandito na ang virus sa bansa, ano nga ba ang dapat nating gawin. Dapat ba tayong matakot o magsawalang bahala. Dapat lamang na maging alerto tyo ngayon at ating alamin ang mga precautionary measures upang maiwasan natin ang sakit na ito.
.
Maghugas mabuti ng kamay, magpalakas, kumain ng tama, matulog ng husto, uminom ng mga bitamina, umiwas sa mataong lugar ang ilan lamang sa mga mungkahing nabasa ko. Ang pinakaimportante dito ay ang magdasal sa Poong Maykapal na gabayan tayo at patigilin ang pagkalat ng nasabing virus.
.
Ngayon, saan ka magsisimula? Ano ang gagawin mo kung isang araw paggising mo, nasa lugar nyo na pala ang nasabing Swine Virus?
.
google9e364c86b1abf30a.html
tutulong ako sa culture ng anti-virus kahit accountant lang ako. haha
kelangan na talaga maging maingat. tsk tsk
Kung ganu'n ang magiging sitwasyon bukas paggising ko, iwasan ko munang makisalamuha sa madla, susundin ang mga preventive measures na inilista mo, at babantayan ko ang aking sarili sa mga sintomas ng sakit na 'to. Kapag may mararamdaman akong kakaiba, magpapakunsulta na 'ko kaagad. Huh!
Huhwag naman sana.
wahhhh naku patay na tayo
sana wag na lumala ito
Grabeh, sana ma-contain ng ating medical professionals at Gov.t ang Swine Flu virus na ito at magsagawa ng mas mahigpit at epektibong pamamaraan para mapigilan ang pagkalit nito sa ating bansa.
yikes! kakatakot naman.. buti dito nawala na ata. whew!
ang sabi bumubuti na yung kalagayan nung bata. e pano yungmga kasama niya sa eroplano? sos. pero confident pa rin ako na hindi na siya kakalat dito.
wag naman sana..
halos araw-araw nasa hospital pa naman ako..
wapak!
be extra careful na lang tau..^^
naku dumating na pala dyan sa pinas ang swine flu.. sana gumaling na ang bata. yah ipagdasal natin sya at ang ating bansa na sana di kumalat ang virus.
btw, i posted the award. check it out crisiboy.
Sir Crisiboy....naparito lang ako upang personal ko sabihin(nakss) maraming salamat sa award mo... kahit di ako masyadong nakagala sa ka jologan mo na yuppie lolz...ginawaran mo parin ako.. muli maraming salamat.. ka blog!
nakakatakot nman yan hindi pa nga nakakatikim eh
proper hygiene and boost yor immune system! dapat vitamins and minerals! more energy mas happy