I made this widget at MyFlashFetish.com.

Alin Alin ang Naiba, Hulaan Nyo!

Author: admin // Category:
Hayyy its Sunday once again and my plans later afternoon is to go to church and hear mass. Natuwa ako sa isang blogpost ni Chikletz ng My Orange Vest tungkol sa kanyang pahulaan kung ano sa sampung nabangit ang hindi nangyari sa buhay nya. Since na-tag nya ako..ngayon ako naman ang magbabangit..ngayon babaligtarin ko naman..alin sa sampung ito ang TOTOONG NANGYARI sa buhay ko..Sige na nga magkakamit din ng gantimpala and sinumang makakahula ng tama at sympre dapat may magandang explanation.
.
Kapag marami ang nakahula sa number na iyon..ang pipiliin ko ay ang may pinakamagandang explanation. Ok lets start the game!
.
1. Pinanganak ako sa probinsya ng Zambales ng mga nanay at tatay ko. Lingid sa kaalaman ng lahat pumunta kami sa Manila, partikular sa Pasig upang makipagsapalaran at dito nakanap ng trabaho ang mga magulang ko.
.
2. Nagtapos ako ng Magna Cum Laude sa isang sikat na University sa Pilipinas sa kursong College ng Bachelor in Business Administation major in Marketing
.
3. Nagtrabaho ako sa Jollibee, McDonalds at KFC nung ako ay nasa kolehiyo pa lamang upang tustusan ko ang aking pagaaral dahil kapos kami sa pera nuon.
.
4. Bunso ako sa 3 magkakapatid at ang 2 kong kapatid ay may mga asawa at anak na ..ako na lang ang natitirang single sa aming magkakapatid. Balak ko na rin magasawa sa isang taon.
.
5. Nagttrabaho ako ngayon sa isang sikat na insurance company at lagi akong nagtotop sa sales namin kaya naman ang bilis bilis kong nappromote taun taon.
.
6. Last Summer nagpunta kami sa Bohol ng mga kaofficemates ko..sobrang ganda dun lalo na ang Chocolate Hills. Halos parang gusto ko na ngang tumira dun eh.
.
7. Nuong 7 years old ako..inenroll ako ng mommy ko sa Milo Best, sa field ng swimming at pagkatapos nuon lagi akong nanalo sa mga swimming contests sa school namin.
.
8. Sa buong talambuhay ko di pa ko nakakaranas ng isang grand birthday celebration kaya ngayon darating na birthday ko sa July 24 eh maghahanda ako ng husto at iinvite ko ang lahat ng mga kaibigan ko.
.
9. Gustong gusto ng mommy ko nuon na maging abogado ako..kaya ako rin naman simula nuon pinangarap ko na rin maging abogado..kahit sa pangarap lang naging abogado ako sa isang program sa school namin.
.
10. Mahilig akong magbasa ng pocketbooks about love story kaya naman last year na birthday ko binigyan ako ng 50 pocketbooks ng mga barkada at kaofficemate ko.Un din naman kasi ang request ko.
.
.
Ngayon simulang mo nang hulaan kung ano sa mga yan ang totoong nangyari sa buhay ko.

23 Responses to "Alin Alin ang Naiba, Hulaan Nyo!"

Gi-Ann Says :
June 14, 2009 at 7:22 PM

let's start scratching out yung mga tingin ko FACT.

1..hmm i thing this one's true. *?*
2. from you crisiboy.com says

graduated BSBA major in Marketing, with flying colors, from a large State University in Manila.


3. Para naman eh
5.Banker nga right?
8.Siguro. hehe
belated hapi bday nlang ano.

9.atty. ok lang naman pakinggan kung dadagdag natin yun sa pangalan mo.
=d

10.You write well that means nagbabasa karin w/out the exemption nga love stories. :)

ans ko is 7?
i dunno if tama.
haha

so okay 7.

ACRYLIQUE Says :
June 14, 2009 at 9:50 PM

Hehe. Parang ganito rin yung gagawin kong whatevah 10! :)

Ok. Hula ko number 10.

Sabi ng cursor ko, iyon daw. Parang hindi pocketbooks. parang mga magazines eh. Hehe

Anonymous Says :
June 14, 2009 at 10:02 PM

Akala mo ba'y matatakot mo ako at masisindak na hindi halata ..?? Hah!!! Sumagot kA...SagUt!!!
>>>>>>>>>Cut..!!:)

admin Says :
June 14, 2009 at 11:44 PM

wait lang guys ang usapan natin dito alin sa sampu ang TOTOONG NANGYARI sa buhay ko ok...

again TOTOONG NANGYARI HA....

Anonymous Says :
June 15, 2009 at 2:13 AM

#1 para sa akin.. dahil may naalala akong nabasa ko dito sa blog mo na taga Zambales ka dati at bata ka pa lang nung lumipat na kayo sa Manila. anung explanation ba ang kelangan? haha! niresearch ko yan. sana tama.

Deth Says :
June 15, 2009 at 11:56 AM

1. hmm...i tink not true, di ba binibisita mo pamilya mo sa zambales? kaw lang ate ngpunta ng manila, naiwan sila dun...

3 & 7 medyo contradicting...kapos kayo pero naenroll ka sa milo training? tska uso na ba milo training nung 7yrs old ka? pish

4. parang di true, kase...for a single, you're planning to get married next year? pano?

5. di ba lumipat ka na ng company? false

6.false...sa beach kayo pumunta e...tska sa anawangin...

8.invite mo ko ah...hehehe, ano bang idea mo ng grand birthday?

9 hindi totoo...basta, wala ako maisip explanation eh

10. false - i don't think sooooo...

My guess: 2 is true.

Hari ng sablay Says :
June 15, 2009 at 4:26 PM

#4 ang totoo.

ang galing ko tlaga manghula, yahooo!

Anonymous Says :
June 15, 2009 at 5:51 PM

ang hirap nman, cguro number 10... lalake? pocketbooks? hahahhaa

admin Says :
June 16, 2009 at 12:37 AM

hmmmmm mukang marami nang nakakahula na na..mukang may mananalo na..and please lang kelangan may explanation na maganda ha...hindi basta hula ng hula ok...kasi remember kapag marami ang nakahula sa number na un ang may pinakamagandang dahilan ang pipiliin ko ok..

kakatuwa pala tong gantong blog post..hehehe

nageenjoy ako..nakakalkal pa pala buhay ko..

RED Says :
June 16, 2009 at 10:19 AM

sakit sa ulo!!!!!!!!!!!!!!!!!

pero ang hula ko ay 2. Naniniwala akong matalino ka. Parang kahit naman hindi ako naniniwala eh talagang matalino ka.

2! (cross fingers)

bluedreamer27 Says :
June 16, 2009 at 11:13 AM

hula ko ito 3. Nagtrabaho ako sa Jollibee, McDonalds at KFC nung ako ay nasa kolehiyo pa lamang upang tustusan ko ang aking pagaaral dahil kapos kami sa pera nuon.
dumaan din kasi ako sa ganito at ang magtrabaho sa mga fast food chain ay isang magandang simulaan sa isang pagiging professional sa buhay...

bluedreamer27 Says :
June 16, 2009 at 9:05 PM

huh ang alam ko nakapagcomment na ko about this hehe nawawala ata
have a great day tol

ordinary_guy1234 Says :
June 17, 2009 at 1:57 AM

pde po mag ask?
i can t post comment kase sa blog ko as well as those who are visiting my blog? pano po ba mag ayos ng setting with regards to comments? bago lng po ako. forbidden_lei@yahoo.com yan po email ko. thanks. by BTW ganda ng blog mo

crisiboy Says :
June 18, 2009 at 1:33 AM

bluedreamer27...parang wala naman comment and sagot mo bro...kasi di naman po ako nagdedelete eh..baka sa ibang topic ka nagpost...post mo ulit sagot mo..mukang may mananalo na..hahaha

Meryl (proud pinay) Says :
June 18, 2009 at 1:17 PM

i guess number 3...
parang sa lahat ng 10 nabanggit...bigla na lang nagpop-up sa aking brain ang face ni crisiboy na nagtrabaho sa fastfood upang tustusan ang pagaaral at sa kadahilanang umahon eh ngayon ay nagtatrabaho na sa company na puro pera ang hawak hehhe.

pehpot Says :
June 19, 2009 at 6:31 AM

waaah parang lahat naman totoo..

pero ang hula ko e ung number 8. bakit? wala lang para may party!!!

Make or Break

Clarissa Says :
June 19, 2009 at 11:14 AM

Sa tingin ko eh number 3..Naniniwala ako na matalino ka dahil sa kabuuan ng blog mo^_^Magaling ka pang magsulat!!

ROM CALPITO Says :
June 19, 2009 at 7:33 PM

pasale parekoy palagay ko yung number 4 dahil mahirap paniwalaan hehehe pero yan cguro ang totoo
dahil nakikita ko naman lahat ng ginagawa mo dito sa website mo may angking talino karin parekoy

pwede ba isa pa
yung number 3 din dahil yan nman tlaga kadalasang nangyayari sa mga taong nangangarap makapagtapos dahil sa hirap ng buhay gagawin ang lahat.

admin Says :
June 20, 2009 at 12:19 AM

nakakatouch naman kasi ang galing galing sumagot nung iba..well sa mga naiinip na sa sagot..relax lang kayo jan ok..

bluedreamer27 Says :
June 20, 2009 at 2:05 PM

ayun nakita ko na yung answer ko siguro di mo panaaaprove nung bumisita ako dito hehe
sagot ko ay 3

admin Says :
June 20, 2009 at 10:49 PM

@bluedreamer...alam ko na bro kung bakit ko nadelete yan kasi baka walang explanation..di ba kasi required nga ng explanation..hehehe

Ching Says :
June 21, 2009 at 3:03 PM

pahabol nga baka makatama sa number 8 na ako hehehe lagi kasi ako kumakain sa bonga mong birthday.....

baka matamaan ko ang sagot ingats...

ching

bluedreamer27 Says :
June 25, 2009 at 8:17 PM

ahhahaha xenxa na tol sa uulitin lalagayan ko na ng explanation,,,,novelistic pa yung dating
..anu nga ba sagot dito??

Post a Comment