I made this widget at MyFlashFetish.com.

Dahil sa Traffic..Ang Jologs na Yuppie Nainspired Magblog

Author: admin // Category:
.
Alam ko napansin nyo ilang araw din akong nawala rito sa sirkulasyon. Marami akong inasikaso kasi malapit na birthday ko. Sa mga di pa pala nakakaalam 2 araw na lang eh birthday ko na kaya iready nyo na po mga gift nyo. Pede rin po cash! Hahaha joke lang po.
.
Nitong mga nagdaang araw lubos lubos ang aking kasiyahan dahil sa ilang pagbabago sa buhay pagb-blog ko at sa aking iniikutang mundo ng blogosperyo. Sadyang totoo ang kasabihan na pag may tyaga..may nilaga. Ngayon unti unti ko nang nakakamit ang target at eto ay maraming makakilala sa blog ko.
.
Tatlong buwan ang nakalilipas, sinimulan kong buuin ang Crisiboy.Com, isa itong blog about SEO and making money online. SEO means search engine optimization sa english. Ang layunin nito ay mapapunta mo sa kauna unahang pahina ng Google Search Engine ang isang blog post mo nang sa gayun ay ito agad ang sasadyain ng isang Internet User papunta sa blog mo. At ang tawag dito ay "TRAFFIC" o "Unique Visitors".
.
Laking gulat ko na lang isang araw at napansin ko ang Crisiboy.Com nangunguna (1st) na sa listahan ng Top Blogs Philippines sa kategoryang sinalihan ko. At pang lima (5th) sa overall ranking kahilera ang mga sikat na blog na Starmometer.Com, Daily Contributor, at Yugatech. Hindi bat ang sarap ng feeling kapag pinagmamasdan mo na marami na palang bumibisita sa blog na binuo mo lang ng halos 3 buwan. Halina at tingnan natin ang Ranking Screen.
.
Top 5 Overall Ranking for all Blogs Enrolled in the Philippines

Top 1 in the Category of Marketing and SEO
.
Please click the link and visit Top Blog Philippines for more infos.
.
At hindi pa jan natatapos ang lahat. Lubos lubos ang kagalakan ko nang malaman mo na sa kahit mismong sa Blog Top List ay nanguna o naging 1st place ang Crisiboy.Com sa katulad na category. Para sa kaalaman ng lahat, ang Blog Top List as isa sa mga sikat na tracking websites na nagrarank ng lahat ng blogs sa buong mundo. Bigatin! Pang worldwide nga di ba!
.
Top 1 in Worldwide Category of Marketing/ SEO
.
Please click the link and visit Blog Top List for mor infos
.
Ngayon parang nakalutang ako sa alapaap sa kasayahang nararamdaman ko at dahil sa traffic na yan...ang inyong abang Jologs na Yuppie, naiinspired na magblog. Isang magandang Birthday Gift toh sa'kin sa taong ito.
.
Ngayon ang tanong, kumikita ba ko sa pagiging Top 1 ng blog na Crisiboy.Com....hmmm...yan ang inyong abangan sa mga susunod kong blog post dito. Naway lagi kayong umantabay at sanay bisitahin nyo ang Crisiboy.Com nang malaman nyo at husgahan kung karapatdapat ba talagang manguna ang blog na ito sa ranking ng mga blogs in terms of traffic or visitors.
.
P.S.
.
Maraming salamat pala sa lahat ng nagbigay ng suggestion skin kung papaano ko icecelebrate ang Birthday ko ngayon taon. Sobrang pasasalamat ko sa inyo! Malalaman nyo rin sa mga susunod na araw kung anong suggestion ang sinunod ko at magkakamit iyon ng simpleng gantimpala mula sa Jologs na Yuppie.
.
Enjoy Blogging Guys!
.

30 Responses to "Dahil sa Traffic..Ang Jologs na Yuppie Nainspired Magblog"

rich Says :
July 21, 2009 at 11:14 PM

wow! ^^ congrats.. :) advance birthday gift noh? ehe! ^^

I am Xprosaic Says :
July 21, 2009 at 11:15 PM

Ayan oh! maagang pabirthday gift pala sa iyo yan eh... jijijijiji congrats!

sweetham Says :
July 21, 2009 at 11:23 PM

crisiboy.... *apir*

magaling! magaling!

sipag mo ata magblog eh at magpromote, kaya maraming pumupunta dito at isa na ako sa mga napadpad dito...

nawa'y dumami pa ang unique visitors mo. Salamat sa pagdaan sa aking blog ah.. sana po iboto mo rin ako. Hahaha.

Sige po, bibisitahin ko po kau lagi rito...

Ingat po.

Den Says :
July 21, 2009 at 11:30 PM

wow congrats!

advance happy birthday na din :]

Crisiboy Says :
July 22, 2009 at 12:07 AM

@rich..mraming salamat sa greet mo..

Crisiboy Says :
July 22, 2009 at 12:08 AM

@xprosaic...oist bro musta ka na ha..salamat sa greetings..


@sweetham..kelangan talaga magsipag eh..salamat rin sa greetings...

Crisiboy Says :
July 22, 2009 at 12:08 AM

@den...thanks sa greetings mo..

chikletz Says :
July 22, 2009 at 1:09 AM

uy happy birthday! may pakontest din ung friend ko para sa bday nya eh. di nya rin lam panu icecelebrate. haha!

Badong Says :
July 22, 2009 at 8:00 AM

oo nga! magandang birthday gift na yan sayo! advanced!

Clarissa Says :
July 22, 2009 at 8:42 AM

Congratulations,Crisiboy!!Ang galing-galing mo!!More power!!^_^

HARI NG SABLAY Says :
July 22, 2009 at 2:16 PM

congrats pare. nkakainspire naman yan,yung isa kong blog diko pa naumpisahan tinatamad pa aksi ako,haha

Rcyan M. Says :
July 22, 2009 at 2:50 PM

congrats po! hahah! sana, balang araw matamo rin namin ang inyong naging kalagayan. (nosebleed!) masaya ako ngayong araw na 'to. sobra tayong blessed ni God. =)

Mokong™ Says :
July 22, 2009 at 5:37 PM

naks..congrats crisiboy! hapi bday na rin!

kox Says :
July 22, 2009 at 6:51 PM

nice! nice! :)) hehehe.. congrats! advance hapi bertdey ;]

kheed Says :
July 22, 2009 at 8:57 PM

huwaw! congrats! at advance hapi bday sayo. double celebration na to.. sana mabusog mo kami hehe

Goryo Says :
July 22, 2009 at 9:02 PM

ME: nak-nak..
YOU: hus der?
ME: AMI!
YOU: ami hu?
ME: to da-tune of happy birth day
AMI mert ney nu you..
AMI mert ney nu you..
AMI mert ney, AMI mert ney...
AMI mert ney nu you..


ahihi

Crisiboy Says :
July 22, 2009 at 11:56 PM

@goryo..salamat sa pag bisita at pagcomment bro ayos sa avatar ha...kaw ba yan??hehe

@kheed, @kox, @mokong mga mare at pare salamat sa regular nyong pagbisita rito ok..natutuwa akong naging kaibigan ko kayo sa blogosphere.

Crisiboy Says :
July 22, 2009 at 11:59 PM

@rcyan m..bakit nyo po nasabi na blessed po kayo???

@hari ng sablay..pre bawal ang tamad sa gustong kumita ng pera..hehehe


@clarissa @badong @chickletz...salamat sa greeting ayan 1 min na lang bday ko na..HAPPY BIRTHDAY SKIN! HAHAHAHA

Meryl (proud pinay) Says :
July 23, 2009 at 2:17 PM

wow congrats!maagang pa burpday yan sau...pa burger ka nama?

Yodz Says :
July 23, 2009 at 3:06 PM

Kudos! sa yong blog for making it on the top ranks.
Keep on blogging.

Crisiboy Says :
July 25, 2009 at 1:05 PM

@meryl...thanks sa paggreet sige punta ka pinas paburger ako..hehehe


@yodz..thanks po kaw rin keep on blogging

docgelo Says :
July 26, 2009 at 11:01 PM

congratz! this post is really inspiring for all bloggers. :D
keep posting!

Ruel Says :
July 27, 2009 at 5:35 PM

oi..kakainggit..congrats bro..naway manatili kang number 1..keep it up!

enhenyero Says :
July 29, 2009 at 9:40 PM

galing galing naman, magtyatyaga din ako heheh

Kosa Says :
July 30, 2009 at 3:50 PM

congrats!
dati ganyan din ako sobrang nakatutok sa status ng traffic... pero kalaunan... nagsawa na ako na pinabayaan ko na yun! hehehe

advance happy Bday din parekoy!
mag-iilan taon ka na? mukang bagets pa rin ahhhh

pehpot Says :
August 3, 2009 at 5:41 AM

Hello there!

Kindly update your listings/blog rolls/ link list/ blog directories..
pehpot.blogspot.com is now GOSSIP MOM

MAKE OR BREAK
now have its own domain:www.pehpot.com

PLease update your listings and add or change the said blogs.. rest assured that your link/ blog is listed on both blogs..

Thanks a lot and have a great week ahead of you!

Make or Break

keb Says :
August 5, 2009 at 1:06 AM

AYOS ah. kakatuwa, ganda ng ranks. Hehe , congrats dude!

Joni Rei Says :
August 6, 2009 at 1:45 PM

Before anything else, batiin muna kta ng advanced happy happy birthday!! and congrats! tsk sna tumaas dn ang traffic s blog ko. well, patience patience patience. lol ^_^

I am Xprosaic Says :
August 8, 2009 at 2:23 PM

Bumalik lang kasi mukhang tapos na bday mo pero di mo pa napopost ang pix sa celebration mo tol! jejejejjejeje

charlie Says :
August 17, 2009 at 7:24 PM

conrats ang swerte mo naman

Post a Comment