I made this widget at MyFlashFetish.com.

Pagsulong sa Agos ng Buhay

Author: admin // Category:
Matagal tagal din akong nawala sa limelight, di ko rin naupdate tong blog na toh for almost 1 month. Maraming nangyari sa mga nagdaan araw. Ilang bagyo ang dumaan sa Pinas, at eto halos isang buwan kaming may baha sa bahay. Nagsimula ang baha sa kasagsagan ng bagyon Ondoy. Halos hangang bewang ang tubig sa lugar namin at sa loob ng bahay.

Isang buwang sakripisyo, walang ilaw, walang kuryente, walang malinis na tubig inumin,  walang maayos na cr, mahirap kumuha ng supply ng pagkain at malapit sa mga sakit dala ng dumi at mikrobyo ng baha. Halos araw araw, may dumadaan sa lugar namin na mga truck na puno ng mga relief goods. Halos lahat nanlilimos sa mumunting supot na puno ng bigas, delata, at kung ano ano pa. Maraming nangangailangan. Pantay pantay ang lahat, walang mahirap walang mayaman, lahat dumaranas ng hirap dulot ng baha. Lahat umaasang isang araw matutuyo ang malaking baha.

Ngayon eto sumusulong, natapos ang isang buwang sakripisyo at ngayon ay umaasa na patnunubayan ng Diyos sa bagong pag-asa. Pinipilit na sumulong sa agos ng buhay at nawa'y lahat ng tao sa lugar namin ay makalimutan ang pinsalang hatid ng bagyo at baha.

Lahat nagsisimula ulit na linisin ang paligid at bahay. Lahat nagdarasal na wag nang bumalik ang dating malaking bangungot. Sino ang may kasalanan, sino ang dapat sisihin sa mga nangyari. Kelan mo masisi ang paghihiganti ng Inang Kalikasan?

9 Responses to "Pagsulong sa Agos ng Buhay"

Led Says :
October 27, 2009 at 8:22 AM

Oo nga, sana 'wag nang mangyari yun. XD sa lugar namin halos 2 linggo eh.

bluedreamer27 Says :
October 30, 2009 at 7:47 PM

hayst ako din matagal din akong nawala sa blogosphere...
but im happy that you're back
have a great day tol and happy blogging
BLUEDREAMER

sunny Says :
October 31, 2009 at 4:48 PM

i hope nkrecover n kayo....at sana we all learned the lesson now! take care!

Anonymous Says :
November 2, 2009 at 1:50 AM

nice to hear from you again. at least alam namin na ok ka. ok kayo.. :D

bluedreamer27 Says :
November 5, 2009 at 5:42 PM

hello there crisiboy
dumadalaw lang ulit
hava a great day and happy blogging


BLUEDREAMER
FEED YOUR MIND

Ishmael F. Ahab Says :
November 6, 2009 at 2:59 PM

Malala talaga ang epekto ng baha.

Grabe, ang tagal nyo nang apektado ah. Di bale, makak-usad uli't kayo.

God bless you.

Si Ishmael to. Napadaan lang.

Julianne Says :
November 6, 2009 at 11:08 PM

You're an ultimate survivor, bro. Sulong kapatid and Welcome back to blogosphere. :)

Jag Says :
November 9, 2009 at 9:08 PM

Hope everything is okay now. Ganbateru! Welcome back!

Unknown Says :
January 1, 2010 at 9:28 AM

Very inspiring naman itong blog mo sana patnubayan ka lagi ng May Kapal.

BTW, tulungan natin ang ating mga kabataang Pinoy na makapag aral ng libre.

Please take part in my first anniversary special: a blog campaign for Free College Education.

Visit http://www.staceyavenue.com/2009/12/stacey-avenues-first-anniversary.html for details :)

Thanks!!!

Post a Comment