I made this widget at MyFlashFetish.com.

Attention: Credit Card Users

Author: admin // Category: , , , ,
.
Ilang oras bago ang alis naming papuntang Puerto Galera ay naisipan kong magkwenta ng mga nagastos ko, ng mga resibo at napansin ko marami na naman akong “for billing” sa mga credit card ko. Naisipan ko tuloy gawan ng entry ulit ang tungkol sa credit card. Ang unang trabaho ko ay sa isang Credit Card company kaya’t kahit papaano ay mga natatago akong kaalaman tungkol sa sirkulasyon ng credit card business.
.
Gumagamit ka ba ng Credit Card? Problema na nga ba ngayon ang credit card? Masyado na ba talaga magpatubo ang mga Credit Card Company?
.
Ayon sa aking pananaliksik, dahil sa nangyayaring krisis sa buong mundo ngayon, lumaki ang numero ng mga Pilipino o kahit ng mga tao sa buong mundo na gumagamit ng credit card ngayon. Dahil walang cash…may credit card naman eh..
.
Kung ating iisipin malaki ang naitutulong sa atin ng credit card. Ang credit card parang Boyscout..laging handa!!! Kapag wala kang cash..iswipe mo lang mabibili mo na ang lahat ng gusto mo. Ngunit ating pakatandaan pagkatapos gumastos may pambayad ba tayo pag dating ng billing statement natin?
.
Sabi ng iba, sindikato daw ang credit card, kasi sa sobrang laki daw ng membership fee na sinisingil syo eh lugi ka na. Minsan pa grabe maningil ang mga ahente. Hindi mo pa due date nandito na at iniistorbo ka na sa paniningil.
.
Kung tutuusin, wala naman nakukulong sa utang. Kapag di ka nagbayad ng utang mo sa credit card ay hindi ka naman makukulong. Yung nga lang ay magugulo ang buhay mo dahil sa kaliwa’t kanan na mananakot at manghaharass sa iyo na magbayad ka ng utang mo. Hindi na rin magiging maganda ang credit card standing mo. Kapag dumating ang araw na mangailangan ka ng pera, wala ka nang mauutangan ng malaking halaga kasi pangit na ang naging credit history mo. Bilang isang yuppie na lunod sa paggamit sa credit card, narito ang ilan sa mga payo tungkol sa paggamit ng credit card.
.
1. Wag lubus lubusin o magmax-out ang credit limit ng card nyo. Yan ang hirap sa ating mga Filipino nangungutang tyo pero hindi tayo marunong magbayad. Ubos ubos ang biyaya kapag bayaran na ay nakatunganga. Siya pa ang magagalit, sya na nga ang umutang, sya na nga ang tinulungan.
.
2. Huwag kang magmimintis ng pagbabayad, Kahit minimum payment bayaran mo upang hindi pumangit ang credit card history mo. Kapag namintis ka sa pagbabayad, doble charge ka pa..lalo ka lang mababaon sa utang.
.
3. Hangat maari kung may pambayad naman, huwag magminimum payment. Kasi may karagdagan charge yun. Kung magkano ang inutang mo..bayaran mo ng buo para wala kang extra charge.. Give and take relationship rin yan.
.
4. Hindi porket may credit card ka eh mayaman ka na. Tandaan mo nangungutang ka lang at aminin mo man sa hindi nagtitipid ka lang kaya ayaw mong magbitiw ng cash. Kaya tandaan, maging responsable sa paggamit ng card. Maging mapagkumbaba kapag nasa store at gumagamit nito. Marami kasi akong nakikitang feeling mayaman..halagang P300 pesos credit card pa gagamitin tapos magagalit kapag nadecline. Bakit hindi na lang aminin na namaxout na ung credit card nila sa kagagastos nila.
.
5. Iwasan din ipaalam sa ibang tao ang mga cash advance pin ng mga credit card nyo, o kaya mga personal na impormasyon tungkol sa inyo. May mga sindikatong pilit na kinukuha ang mga personal na impormasyon nyo. Hindi nyo namamalayan nagagamit na pala ang credit card ninyo ng hindi nyo namamalayan. Pagbulaga ng billing statement nyo..ayan ang daming gamit.
.
6. Huwag magipon ng credit card. Marami akong kilala na isang dosena ang credit card. Aanhin mo yan, ipagyayabang mo sa buong mundo na mayaman ka at marami kang credit card…baka ipinagyayabang mo sa buong mundo na utangero/utangera ka..Sapat na siguro ang isa o kaya hanging 3 credit cards para syo.
.
7. Higit sa lahat, magtipid. Sa hirap ng buhay ngayon, matutunan natin mamuhay ng simple. Dati dati wala naman tyong credit card. Kapag walang pangastos magtiis ka. Wag natin laging gawing option ang credit card na gumastos bagkus gawin natin itong reserba sa mga panahon kailangan na natin ito.
.

14 Responses to "Attention: Credit Card Users"

Enhenyero Says :
April 24, 2009 at 11:51 PM

heheh kakagamit ko lang ng card ko ngayon lang. advantage ng me card eh anytime pwede umuwi, lol

Xprosaic Says :
April 25, 2009 at 12:08 AM

Hmmm... ever since I am very responsible with my cards... Advance pa nga magbayad eh jijijiji... And I will never pay for annual fee... may other option naman para mafree ang annual fee...jijijiji... for me, it's a matter of being responsible and accountable... yun nga! wag isipin na ang credit card ang sagot sa mga kahilingan mo... kaya siguraduhing may pambayad ka bago magswipe...jijijijiji...

admin Says :
April 25, 2009 at 12:46 AM

@enhenyero...parekoy tama ka advantage nga na me card..pero dapat wag ubos ubos biyaya..hehehe

admin Says :
April 25, 2009 at 12:47 AM

@xprosaic...pre ako tinatakot ko ung credit card company na icacancel ko ung card ko pag di nila ko waive sa annual fee..pero dapat walang balanse ang account mo at dapat maganda ka magbayad para pag nanakot ka...masisindak mo sila..sympre manghihinayang sila syo kasi good client ka..kaya ang siste..iwawaive nila annual mo..hehe

The Pope Says :
April 25, 2009 at 11:59 AM

Great post, timing ito ngaung may financial crisis. Napakaraming mga tao ang nababaon sa utang dahil sa mga Credit Cards na kanilang pinagbabayaran.

May mga nahaharap din sa legal cases dahil sa di mabayarang utang sa Credit Cards. Iwasan ang paggamit ng credit cards dahil sa kaakibat na mataas na interest nito.

A-Z-3-L Says :
April 25, 2009 at 1:21 PM

sana nababasa to ng mga OFW's at family nila...

kase in reality, ang OFW's ang credit card dependents. kase ung sweldo eh ipinapadala sa Pinas... leaving a small part para pambayad ng dues. the rest, makukuha ng pamilyang umaasa.

minsan magugulat ka, uuwi na lang sa pinas ang Bagong Bayani. tapos all of a sudden ayaw ng bumalik! hindi dahil gustong makasama ang pamilya... kundi dahil may utang na tinakasan sa bansang pinanggalingan.

Mas madali kaseng mag-apply ng card overseas lalo na pag may papers ka. minsan pa walang annual payment. kaya nakaka-tempt... minsan ka lang ma-approve ng isang banking institution.. sunod sunod na ang approval ng applications mo for credit cards. kaya lang... sa dami ng CC, talagang magsisisi ka!!!

ok lng namang meron sabi mo nga.. basta marunong magcontrol... kaya lang isa itong napakalakas na temptation... mahirap i-resist ang paggastos... :(

greiz ^-^ Says :
April 26, 2009 at 1:51 PM

those tips are very useful! keep it up!

EngrMoks Says :
April 26, 2009 at 5:03 PM

pare...ako walang credit card..laging decline..BDO, HSBC, BPI, PNB...haha

admin Says :
April 26, 2009 at 10:19 PM

@mokong...pare sige email mo lang skin contact nos. mo refer kita sa kaibigan ko..di na ko sa credit card company pero marami akong kilala na pedeng irefer ka..jologsnayuppie@yahoo.com email ko..

admin Says :
April 26, 2009 at 10:26 PM

@greiz...keep it up too..more power and tnx sa comment..

admin Says :
April 26, 2009 at 10:38 PM

@A-Z-E-L...sobra akong natuwa haba ng comment mo..career ang pagcocoment ha..hehehe kelangan talagang magtipid..krisis eh.un ang solution sa krisis ang magtipid..ingatz

admin Says :
April 26, 2009 at 10:44 PM

@The Pope..pede naman pong gumamit ng credit card un nga lang konting control lang tyo kasi nga baka mabaon tyo sa utang.

Anonymous Says :
June 1, 2009 at 3:12 PM

me nakukulong ba sa ndi pagbayad ng credit card?

Unknown Says :
June 17, 2009 at 9:34 AM

hi po kuya bago lang po ako d2 kso ayos po ksing itong blogpost mo.. nice one.. mas maganda siguro d2 sa pilipinas wag nalng credit card utang card nlang ang nkatatak dun sa card (evil laugh).

Post a Comment