.
Dahil Mother's Day ngayon, isang pagkilala sa nanatanging ina ang handog kong blog post ngayon. Walang iba kung hindi si Nanay Dionisia Pacquiao. Malaki ang naging papel nya upang makilala sa buong mundo ang sikat na boksingero at Pambansang Kamao natin na si Manny Pacquiao at paulit ulit na maitatak sa mapa ng mundo ang bansang Pilipinas. Bakit kamo, kung wala si Nanay Dionisia, wala rin tayong Pacman. Kahapon lamang ay napanood ko sa tv na itinampok si Nanay Dionisia at isinalaysay ang buhay nila.
.
Napakalaking sakripisyo ang ibinahagi ng dakilang ina noong hindi pa sikat at kampeon si Manny. Katulad ng ibang ina, walang hinangad si Nanay Dionisia kundi ang mapabuti at itaguyod ang kanyang mga anak kahit mahirap ang buhay nila nuon. At strikto daw si nanay sa pagpapalaki sa mga anak niya. Hanggang ngayon nga ay sinasabi ni Manny na wala na syang kinatatakutang kalabanin. Isa lang daw ang kinatatakutan nya ngayon at iyon ay ang kanyang Nanay.
.
Nakatutuwa rin isipin na dahil sa tamang pagpapalaki at pagtataguyod sa mga anak nya, ngayon eto na ang buhay nila. Buhay Donya na sya ngayon. Lahat ng luho at importanteng bagay para mabuhay ang tao ay kaya na nyang bilhin. Kamakailan lamang ay nagawa na nyang pumunta sa US para suportahan ang kanyang anak sa laban nito.
.
Isa rin sigurong dahilan kung bakit lubos lubos ang biyayang natatanggap nya ngayon ay dahil sa pagiging relihiyosa nya at pagiging malapit sa Diyos. Sabi nga nya nuon gusto daw nyang maging Pari si Manny Pacquiao. At ibinahagi rin nya na kaya daw malakas sya sa Panginoon dahil tuwing magdadasal sya, iniisip nya na nasa harap lang ang Diyos at kausap nya ng taimtim at galing sa puso.
.
Lubos akong napahanga sa kanya sa pagiging mapagkumbaba sa kabila ng kasaganahan na tinatamasa nila sa buhay ngayon. Sabi nya, sya pa rin daw ang dating Dionisia, wala raw nagbago maliban sa kanyang pisikal na anyo, mga alahas at magagandang damit.
.
Tunay ngang isa kang huwarang ina! Isang inang dapat dakilain at ipagmalaki sa buong mundo. Maraming salamat sa iyo Nanay Dionisia, ng dahil sa iyo at sa pamamagitan ni Manny Pacquiao, napagbuklod-buklod at napagkaisa mo ang sambayanang Pilipino. Isang kang ehemplo sa lahat ng mga Nanay sa buong mundo. Karapat dapat lamang na kilalanin ka at parangalan sa iyong nagawang maganda sa bansang Pilipinas.
.
Happy Mother's Day sa iyo, sa aking ina at sa lahat ng ina sa buong mundo!
.
at mabuti dahil maganda ang naging sukli sa pagsasakripisyo nya..
Buti na lang at naisipan ni Nanay Dionisia at ang ang asawa nya na magtalik sa isang gabing kung saan nagawa si Manny. Dahil kung hindi nila naisipan yun, baka ang pagasa na lang ng bayan ay nakasalalay sa kamay ni Bobby Pacquiao. hehe. Peace
@bart...waaaahhh kulit ng comment mo..hahahaha buti na nga lang...
Happy mother's day to your mom at sa lahat ng ina sa buong mundo..
di ako magugulat kung mas sikat na siya kay michelle obama. haha
sosyal na ni Nanay Dionisia...hehehe
pero totoo na kung anuman si Manny ngayon ay yun ay dahil sa mabuting pagpapalaki ng nanay niya sa kanya...kaya Mabuhay si Nanay Dionisia!!!nyahahha
minsan, natatawa ako sa mga antics ni "aling dionisia" pero sa totoo lang, sa lahat ng laban ni pacman andyan sya, deserve nya lahat ng meron sya ngayon. she mustve been a great mother to deserve great blessings.
hay happy naman ako kay aling dionisia dahil; sulit na sulit ang pagpapalaki nya kay manny
haha.sino si bobby pacquaio?awp.hehehe
oo nga noh..wow na wow talaga si mommy dionisio..i admired her bcoz of her strong faith:)
@batang nars...kapatid po ni manny un and baka mommy dionisia..hehehe
@bluedreamer27...hindi naman siguro sinusukat ng magulang ang pagpapalaki sa anak..kaya di naman siguro alam ni dionisia kung sulit na sulit pagpapalaki nya
@badong..sinabi mo pa..baka nga maging mas sikat pa sya kesa kay mrs. obama
@deth...hi..musta ka na...mabuhay nga si mommy dionisia
@katwoman..deserve lahat ni nanay dionisia ang lahat ng pinagpaguran nya..
Salamat sa pagbahagi kay Nanay Dionisia sa iyong post sa Mother's Day event. Si Aling Dionisia ay larawan ng tipikal na Pilipinang Ina, isang simple walang yabang sa katawan at ipinakita sa buong mundo ang kanyang pagkadakila sa pagtataguyod ng kanyang pamilya sa payak na paraan.
Purihin ka sa iyong ibinahagi at belated happy Mother's Day sa iyong Ina.
oo nga ganda na ang leader nang kulto ni manny pacs... ehehheks... peace...