I made this widget at MyFlashFetish.com.

Happy Mother's Day

Author: admin // Category: , ,
.
.
.
Ilang oras na lamang ang nalalabi at araw na ng isa sa maituturing natin na dakilang tao sa mundong ito. At ito ay ang ating mga nanay, mommy, mom, mama, mudra, mother, inang, ina, naynay, momsi o kung ano pa ang tawag natin. Karapatdapat lamang na bigyan sila ng isang araw na pagkilala dahil sa pinakadakilang ginawa nila..at iyon ay alagaan tayo, palakihin sa maayos na paraan, damitan, pakainin at turuan ng tamang ugali at leksyon sa buhay.
.
Dahil sa espesyal na araw na ito naisipan ko nuong isang araw na magpost tungkol sa Mother's Day Promo sa isang sikat na hotel sa Makati. Isang napakagandang package ang offer ng nasabing hotel upang bigyan ng reward o gift ang ating mga nanay bilang pagkilala at pasasalamat sa lahat ng magandang ginawa sa buhay natin at sa ganun paraan ay nakatipid na rin tayo sa gastos. Agad agad akong naginquire sa nasabing hotel matapos kong makita ang ads na iyon.
.
Dahil Mother's Day na nga..naisipan ko rin bilhan ng bagong cellphone ang aking dakilang ina para naman matuwa sya sa akin. Nakakaaawa rin kasing tingnan na nagttyaga sya ngayon sa lumang modelo ng Nokia kaya naisipan kong i-upgrade ang unit nya. Tiyak na matutuwa sya at magyayabang na naman iyon sa mga amiga nya. At dahil nalalapit na rin ang bonus sa office, naisipan ko rin bilhan ng bagong damit ang nanay ko. Swerte nya ngayon at ang daming kong regalo sa kanya ngayon taon.
.
Sa lahat ng ina sa buong Pilipinas at saan mang dako ng mundo, ikinatutuwa ko at lubos ko kayong binabati ng Happy Mother's Day!
.
Kayo ano ang regalo nyo sa mga nanay nyo? Share nyo naman sa akin.
.

10 Responses to "Happy Mother's Day"

HARI NG SABLAY Says :
May 10, 2009 at 1:44 AM

wow andami namang regalo,ang regalo ko mamaya sa mama ko ay isang matinding ngiti sabay hingi ng pera.tambay kasi walang pmbili ng regalo,hehe

Crisiboy Says :
May 10, 2009 at 2:09 AM

ano ba naman yan parekoy..kakuripot mo naman..

The Pope Says :
May 10, 2009 at 2:13 AM

Wow naman, so sweet, tama ka, make you mother proud. On this occasion let's make them feel that they are the greatest woman in the world, our mother is a special gift given to us by God.

Crisiboy Says :
May 10, 2009 at 3:17 AM

correct ka jan the pope. Lets make them feel that they are the greates woman in the world. Happy mothers day din po sa mom and wife nyo..

greiz ^-^ Says :
May 10, 2009 at 3:22 AM

i bought my mom a new gas stove..^-^

Crisiboy Says :
May 10, 2009 at 3:24 AM

wow ayos ha yaman gas stove..mahal din un ha..hehehe

Mokong™ Says :
May 10, 2009 at 2:27 PM

Ang swerte ng nanay mo at ikaw ang anak nya na nmagbibigay ng napakaraming regalo sa araw ng mga nanay...sana ako din nanay mo..hahaha..father na lang pala para sa june ako naman ang paulanan mo ng regalo at cellphone..ehemm..iphone..ehem...

HAPPY MOTHER'S DAY SA IYONG NANAY!

Badong Says :
May 10, 2009 at 4:26 PM

ako binilhan ko siya ng cake!crema de fruta!sarap.haha.happy mother's day to your mom!

Crisiboy Says :
May 10, 2009 at 5:08 PM

pareng badong ang sweit mo naman sa nanay mo..hehehe penge ako cake pag may natira..hehe happy mother's day to your mom too..

poging (ilo)CANO Says :
May 11, 2009 at 1:30 AM

hang sweet mo naman na anak...matutuwa nanay mo niyan...

hapi mudra day sa naynay mo parekoy!

regalo ko a nanay ko? wala, wala pang sahod eh, wala rin akong load kaya di ko rin natawagan...tsk..tsk..

Post a Comment