I made this widget at MyFlashFetish.com.

10 Best Blog Awardee

Author: admin // Category:
Its June already, kalahati na ng taon, tag-ulan na naman. Sa halos dalawang buwan kong pagbblog buhat ng kauna-unahan kong post sa blog na ito, marami akong nakilalang mga ka-blogger di lang dito sa Pinas kundi sa iba't ibang dako ng mundo. Now, it's about time na pasalamatan ko ang mga taong walang sawang sumuporta at nagtyagang magbasa sa mga blog post ko kahit ito man ay may katuturan, o kapupulutan ng aral, information o babala. At ikaw yun. OO ikaw yun na nagbabasa ngayon nito. Marami ang natuwa, nainis, natakot, nalungkot sa mga blogpost ko. Gayunpaman, akoy natuwa din at kahit papaano may nakaapreciate ng mga ginawa ko. Ngayon ipinagkakaloob ko ang "BEST BLOG AWARD" na ito sa sampung taong walang sawang nagtyaga na magbasa at magcomment sa mga blog post. Alam ko marami kayong ang nagbasa at nagcomment dito, ngunit ang 10 Tao na nagmula sa 10 iba't ibang blog ang syang nagpainspired skin ng husto na ipagpatuloy ang pagbblogging at gumawa pa ng iba't ibang kwento at istorya ng buhay ng isang Jologs na Yuppie.


Narito silang lahat..
.
1. (27 comments) MOKONG of Mokong (Ano ang Nasa Isip Ko!)
Isa sya sa mga unang nakilala at naging kaibigan ko sa blogsphere na ito. Isang Engineer sa katauhan ni Sherwin Calalang na halos araw araw ay may bagong hain na blog spot para sa masugit nyang tagasubaybay. Sa blog nya makikita mo ang pinakamalaking signbook na nakita ko na wala sa ibang personal blog. Post about lifestyle, movie review, work related and people appreciation are his blog's forte. Pare salamat sa lahat ng suporta mo..next month marami ka nang kalaban sa top slot.
.
2. (16 comments) THE POPE of Palipasan
Isang OFW sa Middle East na may adhikain na ang pagbblog ay isang "Aliwan ng Pagal na Isipan". Nakatutuwang isipin na every time lahat ng mga comment nya sa mga post ko ay masusing pinagisipan at kapupulutan ng aral. His blog most number of post includes poem about being Makabayan and successful endeavors in life as an OFW. Sir Pope salamat po sa lahat ng advise mo.
.
3. (15 comments) BLUEDREAMER27 of Top Five ( Main)- Bluedreamer Paradise
A 20-year old student from Cavite who was addicted to blogging. Sa sobrang dami ng kanyang blog..ang Top 5 lang yata ang nakaadd sa blog roll ko. Lubos kong hinahangaan ang batang ito sa ganda ng mga layout ng lahat ng blog nya. Kamakailan lang sya naging active sa pagpopost ng comment sa blog ko ngunit sa bawat comment nya nandun ang pagbati at nagsasabing napadaan sya sa blog ko. Bro thanks for always coming in my blog.
.
4. (13 comments) LORD CM of Dungeon Lord CM
Sa blog nya nakuha ko ang kauna unahang award para sa blog ko ang nagbabagang blog award. Isa rin sya sa mga unang naging kaibigan at kausap ko nung ako ay nagsisimula pa lamang sa pagbblog. Naalala ko pa na isa ang blog nya sa naging inspirasyon ko na gumawa na pumili ng isang magandang theme ng blogger layout. Lubos akong namangha sa ganda ng pagkakadisenyo ng blog nya. Bisitahin nyo ang blog nya at mamangha kayo sa sariling disenyo ng blog layout nya.
Bro thanks sa tulong mo nung unang magtanong ako syo nuon about blogging.
.
5. (13 comments) BADONG of Bahay ni Badong
What I liked most in his blog is his english proficiency in all his post because all his blog post are in english. A PUP student na ang tanging pangarap ay maging isang superstar na tennis player. Most of his posts includes foreign celebrities in Holywood and other countries. Bro daan ka ulit sa blog ko ha..
.
Isa rin sya sa mga unang nakilala ko sa blogosphere. A young, smart, beautiful and adorable pinay..san ka pa..whom I think most of men would admire him. Her blog tackles many things about foods, lifestyle, beatiful places in US. Super sweet nitong taong ito at kapag nagmessage ka sa kanya, kahit bz sya ay makukuha pa rin nyang magreply sa iyo. Meryl, thanks sa lahat ng supports.
.
7. ( 8 comments) ENHENYERO of Braggies
Obvious ba na isa siyang construction engineer na nagttrabaho sa Singapore. Lagi nyang pinapakita sa blog nyo ang pagtravel nya sa iba't ibang lugar na nadedestino sya..tama ba ko pre.. Braggies nga ba dapat ang ifeature ko na blog mo..nalilito ako pre ung isang blog mo kasi walang laman eh..hehehe..salamat din sa suporta.
.
8. (8 comments) POGING (ILO)CANO of Poging (Ilo)Cano
Pogi daw oh..tama ba ko pre..isa sya sa pinakamakulit at kabiruan ko sa blogosphere. Isa rin sya sa mga unang nakilala ko dito. Kilabot ng mga babae at namumukudtanging nagpapatulog lagi sakin at nagsasabi na magpahinga naman ako sa pagbblog. Tingnan nyo na lang ang blog nya na may titulong "Ang Buhay ng Isang Probinsyanong Nangangarap" at malalaman nyo kung anu-ano ang mga pinagpopost nya..hehehe
.
9. (8 comments) PIPO of The Missing Pen
I describe Pipo as a smart and articulate young boy. All his post was originally composed by himself. He tackles about the latest happening in his life and about other people's lifestyle. Gusto ko ang concept or title ng kanyang blog specially with his advocacy of joining him in searching for his missing pen..hehehe..bro mukang bz ka ha..daan daan ka dito pag di ka na bz..
.
10. ( 7 comments) DETH of Minddeth
Isa sya sa mga kaclose ko na babae sa blogosphere. Naks feeling close! Sobrang kulit nito at handa siyang makipagkulitan kung gugustuhin nya. Lagi ko syang inaasar about sa manliligaw nya na nadiscover ko sa chatbox nya..hehehe. Isang Batanguena na nagtatalakay about sa buhay buhay, mga pighati at kalungkutan, mga tula at movie review ang kadalasang makikita mo sa blog nya. Hi deth, sensya ka na sa mga pangungulit ko sana wag ka mapikon.Hehehe
.

Hindi kailangan mangampanya para makuha ang Award or badge na ito...Hindi kailangan manghimok ng tao na iboto ka para sa award na ito dahil para sa akin, pagtunton mo sa blog ko..IKAW AT ANG BLOG MO ANG BIDA! OO nga't sasabihin mong isang badge lang yan pero ang katumbas nyan ay taos pusong pasasalamat at appreciation sa iyong naitulong sa blog ko at ito ay mula sa isang kaibigan na nakakausap mo at nagttyaga rin magbasa ng mga blog post mo.

Ngayon inaanyayahan ko ang lahat ng nagbabasa nito na magbigay ng "makabuluhang comment" sa lahat ng naipost kong articles o kwento sa blog na ito.. Ang sino man magiging "Top Commentator" sa next month ay magkakamit ng simpleng gantimpala galing sa mayari ng blog na ito. It is a surprise! and it's a Secret! A simple token of appreciation will do...

Ano pang hinihintay mo!..Comment na!..Oppsss walang sapilitan ito..maari mong deadmahin o hindi pansinin ang mga sinabi ko, at tuluyang lumabas sa blog ko kung hindi mo trip na magcomment. Hehehe!

Guys..Bisitahin nyo rin yung bagong blog ko..eto ang link Crisiboy.Com pwuede rin kayo magcomment jan pero hindi ko na macocount yun..hehehe pero much appreciated kung magcocoment din kayo jan.

Happy blogging and Thank you for your Comments!



23 Responses to "10 Best Blog Awardee"

ACRYLIQUE Says :
June 2, 2009 at 1:26 AM

Nice. nice. nice... Kongrats... :)

HOMER Says :
June 2, 2009 at 1:58 AM

Sana lahat ng contest katulad nito.. hehe!! ;)

Crisiboy Says :
June 2, 2009 at 2:10 AM

@homer..bro bakit super dali ba ito..hahahaha

Badong Says :
June 2, 2009 at 6:14 AM

lagi naman akong dumadaan sa blog mo e! hehe. salamat ng marami!

DETH Says :
June 2, 2009 at 8:26 AM

Yahoo!!! kasama ako, hehehehe...
Kakatats naman to Crisiboy may dedication pa, naku andame ko na utang dito.
I really appreciate the friendship...salamat salamat:D

Lord CM Says :
June 2, 2009 at 8:57 AM

Wow!!!Salamat parekoy, pang apat ako!!!

Nga pala, wag na kayo bibisita sa pahina ko at baka masunog kayo lolzz, di ko na naasikaso...nawala na sa uso hehehe...

Salamat uli parekoy!!!

ck_leick Says :
June 2, 2009 at 3:34 PM

galing ni sir moks a?khit skin lagi xa my comment..idol yun e..tol crisiboy,gwin mo yang awards mo every month..hehehe..visit k h?more power

Crisiboy Says :
June 2, 2009 at 10:24 PM

@ck_leick...sige gawin ko na tohh everymonth..para makahabol ka..dapat next month kasama ka na sa mga ifefeature ko sa top 10

enhenyero Says :
June 3, 2009 at 10:03 AM

whoah, daldal ko pala dito sa blog mo ah, Lol salamat may maganda din pala naibubunga ito nagkakaroon ng award heheh...

Meryl (proud pinay) Says :
June 3, 2009 at 12:02 PM

wow kasama ako dito! ^_^ maraming salamat sa pag include sa akin at sa mga magagandang papuri^_^ about hanggang tenga ang ngiti ko tuloy oh! ^_^ salamat friendship!

Crisiboy Says :
June 3, 2009 at 9:58 PM

aba makukumpleto na ang attendance ng mga top commentator ko sa blog ko..ika nga ni enhenyero mga madadaldal sa blog ko..hehehehe... salamat sa pagdaan nyo sa munti kong blog..

bluedreamer27 Says :
June 4, 2009 at 8:01 PM

wow salamat crisiboy sa award
ahehe natawa naman ako dun
atleast may trade mark na ako di ba hehehe
slamat ulit ipopost ko ito and ill link you back

bluedreamer27 Says :
June 4, 2009 at 8:07 PM

hello tol salamat dito ha
hehe trade mark ko na ba yung mga katagang "just dropping by" hehe
ill post this them i will link you back thanks ulit

keb Says :
June 4, 2009 at 11:32 PM

Cool, mayron palang mga ganito sa blogging. Months pa lang kasi ang nakalilipas when I started to blog. This is really nice. Well, more more success to your blog! Keep posting! =)

Meryl (proud pinay) Says :
June 5, 2009 at 1:11 AM

hellow crisiboy...maraming salamat sa award na post ko na sya at pinamahagi na sa ibang mga blagero at blagera ^_^

bluedreamer Says :
June 5, 2009 at 3:09 PM

hello crisiboy
hahha anu ba yan nahihiya na tuloy akong magsabing na padaan lang ako
ganito na lang
"blog hopping here have a great weekend!!"
ano say mo?

bluedreamer27 Says :
June 5, 2009 at 8:18 PM

hello crisiboy kakapost ko lang nung award mo thanks ulit ..sa uulitin hehe
heres the link
http://bluedreamer27.blogspot.com/2009/06/special-award.html

Crisiboy Says :
June 6, 2009 at 1:12 AM

@bluedreamer..thanks din syo..now ur learing seo na na...oklang yan wag ka mahiya pag napadaan ka..hehehe

@meryl..hi meryl thanks din sayo...

@keb..more powers din syo..yap may ganto talaga sa blogging..gudluck rin po...

Leo Mar Says :
June 8, 2009 at 2:15 PM

This is a great way to thank your our fellow bloggers. More power and more success to your blog!

Mokong™ Says :
June 9, 2009 at 9:56 PM

Tol sorry ngayon lang ako muling napadpad sa blogger blog mo... salamat sa award pare...naiyak naman ako dun..lolz

-binObogart- Says :
June 11, 2009 at 3:10 PM

pangarap namin magka ganyan... galing sa ibat ibang tao.. hehe!! sana kami din...

Jag Says :
October 12, 2009 at 12:57 PM

Bumisita ang bagitong c Jag dito sa blog mo jijijiji...nkakatuwa namn ung awards mo prestihiyoso ang dating naks! Dalaw ka minsan sa mundo ko jijiji...

Post a Comment