.
Sa dalawang linggong pahulaan narito at pinagsama sama ko ang mga sagot ng mga naghula kung ano ang TOTOONG NANGYARI sa buhay ko. Halina at tingnan natin.
.
1. Pinanganak ako sa probinsya ng Zambales...
=>Chikletz- #1 para sa akin.. dahil may naalala akong nabasa ko dito sa blog mo na taga Zambales ka dati at bata ka pa lang nung lumipat na kayo sa Manila. anung explanation ba ang kelangan? haha! niresearch ko yan. sana tama.
.
2. Nagtapos ako ng Magna Cum Laude sa isang sikat na Univerisity...
=>Deth - My guess: 2 is true.
=>Stupidient -sakit sa ulo!!!!!!!!!!!!!!!!!pero ang hula ko ay 2. Naniniwala akong matalino ka. Parang kahit naman hindi ako naniniwala eh talagang matalino ka. 2! (cross fingers)
.
3. Nagtrabaho ako sa Jollibee, McDonalds at KFC...
=>Bluedreamer27- hula ko ito 3. Nagtrabaho ako sa Jollibee, McDonalds at KFC nung ako ay nasa kolehiyo pa lamang upang tustusan ko ang aking pagaaral dahil kapos kami sa pera nuon.dumaan din kasi ako sa ganito at ang magtrabaho sa mga fast food chain ay isang magandang simulaan sa isang pagiging professional sa buhay...
=>Meryl - i guess number 3...parang sa lahat ng 10 nabanggit...bigla na lang nagpop-up sa aking brain ang face ni crisiboy na nagtrabaho sa fastfood upang tustusan ang pagaaral at sa kadahilanang umahon eh ngayon ay nagtatrabaho na sa company na puro pera ang hawak hehhe.
=>Clarissa - Sa tingin ko eh number 3..Naniniwala ako na matalino ka dahil sa kabuuan ng blog mo^_^Magaling ka pang magsulat!!
=>Jettro -pwede ba isa payung number 3 din dahil yan nman tlaga kadalasang nangyayari sa mga taong nangangarap makapagtapos dahil sa hirap ng buhay gagawin ang lahat.
.
4. Bunso ako sa 3 magkakapatid....
=>Hari ng Sablay- #4 ang totoo. ang galing ko tlaga manghula, yahooo!
=>Jettro- pasale parekoy palagay ko yung number 4 dahil mahirap paniwalaan hehehe pero yan cguro ang totoodahil nakikita ko naman lahat ng ginagawa mo dito sa website mo may angking talino karin parekoy (parang ang layo sa sagot..parang sa ibang number toh ah?hmm..)
.
5. Nagtrabaho ako sa isang insurance company...
WALANG SUMAGOT SA NUMBER NA TOH...
.
6. Last Summer ngapunta ako sa Bohol...
WALA RIN SUMAGOT SA NUMBER NA TOH...
.
7. Nuong 7 years old ako..inenroll ako ng mommy ko sa Milo Best...
=>Gi-Ann-ans ko is 7? i dunno if tama. hahaso okay 7.
.
8. Sa buong talambuhay ko di pa ko nakakaranas ng isang grand birthday celebration...
=>Pehpot-waaah parang lahat naman totoo..pero ang hula ko e ung number 8. bakit? wala lang para may party!!!
=>Ching-pahabol nga baka makatama sa number 8 na ako hehehe lagi kasi ako kumakain sa bonga mong birthday.....baka matamaan ko ang sagot ingats...
.
9. Gustong gusto ng mommy ko nuon na maging abogado ako..
WALANG RIN SUMAGOT SA NUMBER NA TOHH..
.
10. Mahilig ako magbasa ng pocketbooks.
=>Acrylique- Hehe. Parang ganito rin yung gagawin kong whatevah 10! :)Ok. Hula ko number 10.Sabi ng cursor ko, iyon daw. Parang hindi pocketbooks. parang mga magazines eh. Hehe
=>Kox - ang hirap nman, cguro number 10... lalake? pocketbooks? hahahhaa
.
NGAYON ETO NA ANG AKING SAGOT:
Unahin na natin ang mga numero na walang sumagot...
.
# 5 - Mukang nagresearch ang lahat at alam na isa akong bangkero at nagttrabaho sa isang bangko therefore hindi sa isang insurance company and hindi ako sa sales department..sa operations department po ako nakaassign.
.
#6 - Mukang nagresearch din ang mga mambabasa ko dahil hindi talaga ako sa Bohol nagpunta last summer kundi sa Puerto Galera, Anawangin Islands at sa Lagos Del Sol Lake Caliraya Resort.
.
#9 - Gusto talaga ng mommy ko na maging doctor ako at hindi abogado. At naging doctor ako sa isang progrma sa school nuong elementary.hehehe
.
Sa mga sumagot..eto na..huminga ng malalim at sasagutin ko na..
.
#10 - Hindi po ako mahilig magbasa ng pocketbooks at wala po akong tyaga magbasa ng pagkahaba habang novela, pocketbooks o kahit anong babasahin. Pagsolvin mo na ko ng math problems, algebra or statistics huwag mo lang ako pagbasahin dahil tamad ako magbasa..hehe
.
#1 - Hindi rin po ako pinanganak sa Zambales, taal po kaming taga Pasig City at dito na ko lumaki eversince. At hindi po sa Pasig nakahanap ng trabaho ang mga magulang ko kundi sa ibang City po.
.
#4 - Panganay po ako sa 2 magkakapatid at hindi po bunso at pareho pa po kaming single. Tagal ko pa balak magasawa..nagiipon pa..wink!
.
#7 - Mahal po ang pambayad sa Milo Best kaya di na nagaksaya si Mommy na ieenrol ako dun at nakakahiya man sabihin, hindi po ako marunong lumangoy kaya hindi ko hilig ang swimming na sport. (dyahe!)
.
#3 - Never po ako nakaranas na magtrabaho sa Jollibee, McDonalds at KFC kahit gustuhin ko man. Pero mas pinili ko magconcetrate sa pagaaral ko dahil mura lang naman ang tuition fees ko nuong college ako.
.
#8 - Sobrang nakakaawa naman ako kung hindi ako nakaranas ng isang grand birthday celebration eh paborito ako ng lola ko. Noong 7 years old ako sobrang engrade ng birthday ko. Sya nga pala malapit na ang birthday ko ..July 23 na po at hindi 24 so ihanda nyo na po mga regalo nyo skin at maghahanda ako ng husto at iinivite ko ang lahat ng mga kaibigan ko.
.
# 2 - Ayoko man magmalaki pero ito ang TOTOONG NANGYARI sa buhay ko. Sinikap kong magaral ng husto kaya eto may magandang trabaho ako at sumusweldo ng maganda.
.
Ito ang purpose ko kaya nagawa ko itong blog post na ito. Magsilbi sanang inspirasyon sa lahat ng mga kabataan ngayon na magsumikap sa pagaaral. Hindi naman kailangan "with flying colors" basta ang importante makapagtapos sa pagaaral at makahanap ng magandang trabaho. Amen!
.
Dahil 2 ang nakasagot ng tama...to Stupidient and Deth, may libre kayong ISANG MEAL from any of the following na gusto ko sanang pasukan at magtrabaho nuong nasa college pa lang ako. So choose from Jollibee, McDonalds and KFC. Aba may libreng promote pa sa 3.hahaha
.
Email nyo lang ako sa jologsnayuppie@yahoo.com para makuha nyo number ko at maibigay ko ang price nyo.
.
Sa lahat ng mga sumali (Gi-Anne, Acrylique, Chikletz, Hari ng Sablay, Kox, Bluedreamer, Meryl, Pehpot, Clarissa, Jettro and Ching) sa pahulaan maraming salamat sa inyo at abangan nyo ang next na pacontest ko! Mas maganda na ang price. Handog ko sa inyo ang badge or award na ito bilang consolation price.
P.S.: Sa mga di pa nakakasubmit ng entries nila sa Top 10 Emerging Influential Blogs 2009, please submit your entries now at Ms. Janette Toral's website at http://www.influentialblogger.net/
Sama nyo po ang Jologs na Yuppie ha..Thank you!
sayang!! ang lapit na ng sagot ko.. aun na ung number 2 eh.. nasa baba ng 1.. err! hehe.. anyway salamat sa consolation prize..
haha parekoy number 2 yung sagot ko hindi 4 nagkmali cguro ako haha. sayang!
cge kunin ko narin yung badge.salamat parekoy
Naks! daming revelations ah!
Have a blessed Sunday Crisiboy!
yahoo buto na lang may consolation hehehe
astig tong game na to bro challenging talaga and its nice to know more about you
thanks for sharing
@jettro..pre feeling ko rin talaga nagkamali ka ng sulat..wala eh di pede un eh maraming magagalit pag binawi mo na next time dahan dahan sa pagtype ng number..waahhh
@chikletz..ok lang yan pag nanalo ka naman kasi pano ko ibibigay prize mo eh ang layo layo mo sa pinas..bwahahaha
@mokong..bro sayang di ka nakasali next time sali ka na.
@bluedreamer27...kahit ako bro nagenjoy rin..astig nga tong game na tohh sige isip pa tyo masayang game para masaya lahat
heheh geh looking forward to it
promote lang ako hahaha
If there would be one song that remind you of Michael Jackson ...what would it be and why? Its time to break the boundaries ... share your thoughts and let your voice be heard. http://breaking-the-boundaries.blogspot.com/2009/06/lossing-icon.html
yan kais tinuruan mo ko hehe(sinisi ka pa no)
Congratulations sa nanalo sa pakontes ni Crisiboy!!Sa uulitin ha?!!^_^
wow congrats sa nanalo! galing. actually ganon din nga sagot ko eh..nagdadalawang isip lang ako.joke. hehe.
btw, salamat ng marami sa award. save ko muna sa drafts ko. salamat ^_^
woohooo! tumama din ako sa tag na 'to! wehehehe...asan na ang premyo ko?lol
WOW! kainggit. kongrats sa mga nanalo. hati naman tayo sa prize niyo. hehe. biro lang!
cum laude ka pala. bilib na talaga ako. pa-burger ka naman dyan oh.
sabi ko na nga ba eh, yung talaga dapat sagot ko pinalitan ko pa, tsk!
nway salamat sa award pre...
Congrats sa mga nakasagot ng tama! Sali ako sa susunod, hehehe.
wahhh!! tapos na ang pacontest haha!! :D