I made this widget at MyFlashFetish.com.

Ano nga ba ang isang Jologs na Yuppie?

Author: admin // Category:
Marami sa mga kaofficemates ko ang nagtatanong bakit eto daw ang napili kong title ng blog ko. Pano ko ba daw ilalarawan ang isang Jologs na Yuppie. Ito ba raw ang reflection ng aking personality o pagkatao. Dito ngayon papasok ang isang malaking katanungan...Ano nga ba ang isang Jologs na Yuppie.
.
Ang isang "Jologs", ayon sa Dakilang Wikipedia ay isang taong, IN, very cool, relax, cowboy, gustong subukan ang mahihirap na bagay, malalim magisip. Sinasabi rin Jologs ang isang tao kapag hindi pangkaraniwan ang istilo ng kanyang kasuotan kumpara sa mga nakararami.
.
Ang "Yuppie" short for young professional, ay tumutukoy sa isang indibidwal o grupo ng mga kabataan (mula 18-35 na taong gulang) na may trabaho at kumikita ng pera upang gamitin sa kanilang istilo ng pamumuhay.
.
Nilikha ko ang blog na ito sa kategoryang "Humor" or in short upang bigyang saya ang lahat ng aking mambabasa. Ang layunin ng blog na ito ay pasayahin at sa konting sandali ay makalimutan ang problema sa buhay at libangin ang sarili sa pamamagitan ng iba't ibang blog posts na akmang akma sa mga mababasa upangkapulutan man ng aral, bigyang saya ka man or hindi.
.
Upang lubusan natin maunawaan ng naayon sa ating pagkakaintindi..or ayon sa saklaw ng ating pagiisip...ang gulo na ba? hehehe!iniimbitahan ko ang lahat ng aking masugid na mga mambabasa na magcontribute sa blog na ito o magbigay ng sarili nilang pakahulugan (maaring katawatawa man ito o seryoso, o di kayay sariling pangyayari sa buhay) ng mga salitang "Jologs na Yuppie".
.
Maari kayong magpadala ng comment sa simpleng pakahulugan nyo ng mga salitang nabangit o kung ito man ay may mahabang explanation at mga images, maari kayong mag-email sa jologsnayuppie@yahoo.com.
.
Sympre, ang mapipiling may magandang pakahulugan ay mabibigyan ng chance na ma-ipost sa blog na ito kasama ang Pangalan or Blog ng mismong nagcontribute. May link of love pa mula sa blog na ito papunta sa blog nyo.
.
Ano pa ang hinihintay! Isip na at sabihin sa akin kung ano nga ba ang Jologs Na Yuppie!

4 Responses to "Ano nga ba ang isang Jologs na Yuppie?"

bluedreamer27 Says :
July 4, 2009 at 2:25 PM

haha teka napaisip din ako dun ha?? hmmm wait magiisip ako ng kahulugan nyan hhehe
pangkaraniwan ko ng naririnig yung jologs pero yung Yuppie first time ko lang heh

Anonymous Says :
July 4, 2009 at 3:56 PM

akala ko taga U.P kaya yuppie! pinaarteng U.P :) hahaha...

admin Says :
July 4, 2009 at 4:07 PM

@bluedreamer27...sige bro isip ka..then post natin dito..

@kox...hehehe pede rin naman..hahaha

Yodi Insigne Says :
July 6, 2009 at 3:33 PM

Is a modern guy between the “jologs” (pang-masa) and the “conio” (spoiled rich kid).
Sample:
Jologs : “Siyeettt, kelangan ba talagang aralin ko to?
Jologs na Yuppie: “Damn! I have to study this.”
Conio: "Oh my naman! I have to make aral so i can make pasa the exam bukas!"

Post a Comment