Ilagay ang badge na ito sa iyong blog bilang simbulo ng iyong pakikiisa sa No to ConAss Campaign o ang pagtutol sa pagamyenda ng Saligang Batas ng Pilipinas.Lingid sa kaalaman ng lahat, malaki ang maitutulong nito upang magkaisa ang sambayanan Pilipino na huwag nang patagalin ang termino ng panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon.
.Magkakaroon ng isang malawakang rally sa June 10 sa buong Kamaynilaan na kung saan ang lahat ng mga sector ng lipunan ay inaanyayahan makiisa.
.Sa internet o Filipino Online community, mapapansin nyo na laganap na ang pulang badge na yan. Ibig lamang sabihin nito na kahit hindi ka pisikal na dumalo sa rally, sa pamamagitan ng iyong blog ay paipapahatid mo ang iyong pakikiisa tungo sa ikakauunlad ng sambayang Pilipino.

