I made this widget at MyFlashFetish.com.

Dahil sa Traffic..Ang Jologs na Yuppie Nainspired Magblog

Author: admin // Category:
.
Alam ko napansin nyo ilang araw din akong nawala rito sa sirkulasyon. Marami akong inasikaso kasi malapit na birthday ko. Sa mga di pa pala nakakaalam 2 araw na lang eh birthday ko na kaya iready nyo na po mga gift nyo. Pede rin po cash! Hahaha joke lang po.
.
Nitong mga nagdaang araw lubos lubos ang aking kasiyahan dahil sa ilang pagbabago sa buhay pagb-blog ko at sa aking iniikutang mundo ng blogosperyo. Sadyang totoo ang kasabihan na pag may tyaga..may nilaga. Ngayon unti unti ko nang nakakamit ang target at eto ay maraming makakilala sa blog ko.
.
Tatlong buwan ang nakalilipas, sinimulan kong buuin ang Crisiboy.Com, isa itong blog about SEO and making money online. SEO means search engine optimization sa english. Ang layunin nito ay mapapunta mo sa kauna unahang pahina ng Google Search Engine ang isang blog post mo nang sa gayun ay ito agad ang sasadyain ng isang Internet User papunta sa blog mo. At ang tawag dito ay "TRAFFIC" o "Unique Visitors".
.
Laking gulat ko na lang isang araw at napansin ko ang Crisiboy.Com nangunguna (1st) na sa listahan ng Top Blogs Philippines sa kategoryang sinalihan ko. At pang lima (5th) sa overall ranking kahilera ang mga sikat na blog na Starmometer.Com, Daily Contributor, at Yugatech. Hindi bat ang sarap ng feeling kapag pinagmamasdan mo na marami na palang bumibisita sa blog na binuo mo lang ng halos 3 buwan. Halina at tingnan natin ang Ranking Screen.
.
Top 5 Overall Ranking for all Blogs Enrolled in the Philippines

Top 1 in the Category of Marketing and SEO
.
Please click the link and visit Top Blog Philippines for more infos.
.
At hindi pa jan natatapos ang lahat. Lubos lubos ang kagalakan ko nang malaman mo na sa kahit mismong sa Blog Top List ay nanguna o naging 1st place ang Crisiboy.Com sa katulad na category. Para sa kaalaman ng lahat, ang Blog Top List as isa sa mga sikat na tracking websites na nagrarank ng lahat ng blogs sa buong mundo. Bigatin! Pang worldwide nga di ba!
.
Top 1 in Worldwide Category of Marketing/ SEO
.
Please click the link and visit Blog Top List for mor infos
.
Ngayon parang nakalutang ako sa alapaap sa kasayahang nararamdaman ko at dahil sa traffic na yan...ang inyong abang Jologs na Yuppie, naiinspired na magblog. Isang magandang Birthday Gift toh sa'kin sa taong ito.
.
Ngayon ang tanong, kumikita ba ko sa pagiging Top 1 ng blog na Crisiboy.Com....hmmm...yan ang inyong abangan sa mga susunod kong blog post dito. Naway lagi kayong umantabay at sanay bisitahin nyo ang Crisiboy.Com nang malaman nyo at husgahan kung karapatdapat ba talagang manguna ang blog na ito sa ranking ng mga blogs in terms of traffic or visitors.
.
P.S.
.
Maraming salamat pala sa lahat ng nagbigay ng suggestion skin kung papaano ko icecelebrate ang Birthday ko ngayon taon. Sobrang pasasalamat ko sa inyo! Malalaman nyo rin sa mga susunod na araw kung anong suggestion ang sinunod ko at magkakamit iyon ng simpleng gantimpala mula sa Jologs na Yuppie.
.
Enjoy Blogging Guys!
.

11 Days Countdown for My Birthday!

Author: admin // Category:
.

Ang bilis talaga ng panahon..parang kelan lang bata ka pa, wala pang muwang, masaya at naglalaro lang sa kalye. Hangang nagaral ka, nagkaisip at lumaki. Ngayon eto ako may matinong trabaho, nakikipagsapalaran na sa buhay, nagiging matatag kapag nadadapa, nagiging mapagbigay kapag may sobrang biyaya, nagiging matulungin sa nangangailan ng tulong. Ganito nga siguro ang buhay, kelangan mong sumonod sa agos nito na parang ilog...walang katapusan at patuloy pa ring aagos.
.
Ilang araw na lamang ang nalalabi at sasapit na naman ang aking dakilang kaarawan. Ika 23 ng Hulyo (July 23), ipinanganak ako ng nanay at tatay ko..hehehe ang korni! Eto ang isa sa mga pinananabikan kong araw sa buong isang taon. Kasi kapag Birthday ko, lahat ay masaya! Buong pamilya nagbubuklod buklod at nagcecelebrate ng birthday ko. Sympre ako ang may pakana nun. Bukod sa taon taong reunion ng buong angkan, ewan ko ba nagagawa ko rin mapagisa ang pamilya ko kapag Birthday ko nga.


Lahat din ng mga kaibigan ko nagkikita kita tuwing birthday ko. Merong instances nga na may mga kaibigan akong nagkikita kita lang pag birthday ko lang talaga pero madalas ko naman silang nakikita. Ganun nga talaga yata ang papel ko sa mundong ito. Tagabuklod at tagapag-isa ng mga taong malalapit sa buhay ko.

Ewan ko ba minsan nga di ko maiwasang magsentimiento, kapag birthday kasi ng mga kaibigan o kamag-anak ko, ako ang namumuno sa pagoorganize o pagbibigay ng mga surprise parties. Pero pag birthday ko na ang sasapit, ako pa rin ang magoorganize at magaasikaso sa lahat. Marami naman nagmamahal sa akin, marami rin naman nagreregalo, pero alam mo un..alam ko naiinitindihan mo ako..na minsan hindi regalo ang hinahanap mo, minsan mas gugustuhin mong may magbibigay syo ng surpresa na nagplano sila kahit sa lugawan lang sa kanto para mairaos ang birthday mo. Wala nga yata akong naranasan sa buong talambuhay ko na may sumurpresa skin kapag birthday ko. Kung meron man taon na un..di ko na maalala. Usually, ang dahilan nila ako raw ang meron kaya ako ang magbigay and besides daw may regalo naman sila. Pero ok lang lahat sa akin yun basta ang importante lahat kami masaya.

Ngayon taon, balak ko sanang i-celebrate ang Birthday ko sa isang simple at payak na paraan lamang, yun bang hindi masyadong magastos kasi nga recession ngayon at dahil may krisis sa buong mundo..makikiisa na rin ako!

Mga masugid kong mambabasa at visitors, maari mo ba kong tulungang mag-isip kung ano ang magandang idea para i-celebrate ko ang aking Birthday sa isang matipid at simpleng paraan. Sige na pa-birthday gift mo na sa akin toh!

Ang mapipiling magandang idea ay imbitado sa mismong araw ng Birthday ko. Sikat ka! hehe! Sapat na bang kapalit yun?


Mahilig Magshopping ang Isang Jologs Na Yuppie

Author: admin // Category:
.
.

Kadalasan nangyayari ito tuwing Payday or Bonus Day!
.
.
.
.
Lahat ng magustuhan, bibilhin!
.
.
Ang isang Jologs na Yuppie...Laman ng mga malls kahit walang pera!
.


.
.
Credit Card is the Savior! Enjoy the freebies and luxury! Skies the Limit!...eto ang kalimitang motto ng isang Yuppie
.


.
Pero ang isang Jologs na Yuppie..suki ng tyanggean, 3 day 50% super sale, bazaar at ukay-ukay

.

.
.


.
.
A Certified Shoppingero/ Shoppingera! ...yan ang kalimitang tawag sa isang Yuppie na walang pakundangan sa pagshoshopping....Pwede rin bang itawag sa isang Jologs Na Yuppie?
.
.

Ang Jologs na Yuppie...PatayGutom?

Author: admin // Category:
.
Laging nangunguna kapag may Birthday Party sa Office...o kahit anong selebrasyon!
.
.


.

Walang kabusugan..maya't maya kain ng kain...
.
.
.
Utusan lang ng boss ng isang mahirap na trabaho..gusto agad may kapalit na merienda
.
.
.

After work...pagod sa trabaho, magyayaya pa rin sa food chain o kahit sa carenderya!
.
.
.
Patay Gutom nga bang matatawag o sadyang mahilig lang kumain?
.
.


.

You're the 1, Goldilocks!

Author: admin // Category: ,
.

.
Through the years, Goldilocks continually becomes a big part of the Philippine culture. As days go by, many Filipino families are patronizing Goldilocks series of product lines from cakes to pastries, now to popular Pinoy foods and delicacies. I guess you will agree with me that Goldilocks brought many memorable experiences with us from our childhood days up to now that we are surviving in the midst of our challenging lives.
.
Goldilocks symbolizes a figure of a real and a true friend. Like you best friend, Goldilocks is there to ease your emotions, relieve your stress and anxiety and of course lean on with you for many parties, events and celebrations. When you are a child, your parents introduce Goldilocks during your 1st Birthday. Although you can’t remember it already but I am sure that you are happy that day holding a balloon with a big Goldilocks chocolate cake infront of you and everyone is singing Happy Birthday song until you blow the 1 piece of candle on the top of the colorful cake.
.
Whenever you passed in your exam during elementary and high school days, Mommy treats you with a big cake from Goldilocks thus giving you a fulfilment and confident feelings that Goldilocks is always there with you to celebrate your milestones in life.
.
During those days that you are very sick or even in the hospital for health treatment, you are being astonished by your friends bringing your favorite big Goldilocks mocha cake. After a few days, pain is relieved and you are already feeling well because there is something with that cake that heals you and gives you an alleviated emotion.
.
Getting your diploma from college is a great achievement in life that you will treasure forever. Before you take another part or chapter in your life as you go through the corporate world, Goldilocks becomes your fan and congratulates you for a job well done…and that is to finish your studies with flying colors.
.
You are very tired after overtime at work. Workload brought big stress in you thus making you hungry and craves for many foods. Goldilocks is always there to rescue with their delicious kare-kare, bistek tagalog, beef caldereta, lumpia and your super favorite dinuguan with puto. It will not stop there because you will resist for a delicious desert to choose from their lovable cakes and pastries even you are in a diet.
.
Your boss congratulates you for being the best employee in the company. As a part of your reward, you are being promoted as the Manager of a newly established department. Now, Goldilocks again is there to celebrate with you for the unstoppable achievement and in shaping your career in its right path.
.
Goldilocks will also be there on your anniversary day, parents’ day, wedding day, your children’s birthday, your children’s graduation and many future celebrations. Now we can say that You are the 1, Goldilocks because you are an essential part of our families. You bind us together, unite us to become one and share with us the most memorable celebrations in life. You turn our simple celebration into a most terrific and memorable one. Yes Goldilocks will surely advance in a remarkable cycle in our lives, moreso, will be considered as the epitome of excellence in products and services which will take part from generation to generation not only in the hearts of many Filipino families but also around the world.
.
Thank you Goldilocks for sharing all the momentous events and memories with us!
.

Ang Jologs na Yuppie Gimikero/Gimikera

Author: admin // Category:
.
Dahil pagod sa trabaho....after office o kada Friday

Gimik sa mga disco bars, restaurants and malls
.


Timog, Libis, Malate, Jupiter, Makati Ave, Greenbelt..name your choice.


Hataw sa dancefloors! San Mig Light all you can! Eat All You Can!



Kahit walang pera, makapagrelease lang ng stress.


Paguwi sa bahay diretso tulog dahil lasing!!Hahaha

Ano nga ba ang isang Jologs na Yuppie?

Author: admin // Category:
Marami sa mga kaofficemates ko ang nagtatanong bakit eto daw ang napili kong title ng blog ko. Pano ko ba daw ilalarawan ang isang Jologs na Yuppie. Ito ba raw ang reflection ng aking personality o pagkatao. Dito ngayon papasok ang isang malaking katanungan...Ano nga ba ang isang Jologs na Yuppie.
.
Ang isang "Jologs", ayon sa Dakilang Wikipedia ay isang taong, IN, very cool, relax, cowboy, gustong subukan ang mahihirap na bagay, malalim magisip. Sinasabi rin Jologs ang isang tao kapag hindi pangkaraniwan ang istilo ng kanyang kasuotan kumpara sa mga nakararami.
.
Ang "Yuppie" short for young professional, ay tumutukoy sa isang indibidwal o grupo ng mga kabataan (mula 18-35 na taong gulang) na may trabaho at kumikita ng pera upang gamitin sa kanilang istilo ng pamumuhay.
.
Nilikha ko ang blog na ito sa kategoryang "Humor" or in short upang bigyang saya ang lahat ng aking mambabasa. Ang layunin ng blog na ito ay pasayahin at sa konting sandali ay makalimutan ang problema sa buhay at libangin ang sarili sa pamamagitan ng iba't ibang blog posts na akmang akma sa mga mababasa upangkapulutan man ng aral, bigyang saya ka man or hindi.
.
Upang lubusan natin maunawaan ng naayon sa ating pagkakaintindi..or ayon sa saklaw ng ating pagiisip...ang gulo na ba? hehehe!iniimbitahan ko ang lahat ng aking masugid na mga mambabasa na magcontribute sa blog na ito o magbigay ng sarili nilang pakahulugan (maaring katawatawa man ito o seryoso, o di kayay sariling pangyayari sa buhay) ng mga salitang "Jologs na Yuppie".
.
Maari kayong magpadala ng comment sa simpleng pakahulugan nyo ng mga salitang nabangit o kung ito man ay may mahabang explanation at mga images, maari kayong mag-email sa jologsnayuppie@yahoo.com.
.
Sympre, ang mapipiling may magandang pakahulugan ay mabibigyan ng chance na ma-ipost sa blog na ito kasama ang Pangalan or Blog ng mismong nagcontribute. May link of love pa mula sa blog na ito papunta sa blog nyo.
.
Ano pa ang hinihintay! Isip na at sabihin sa akin kung ano nga ba ang Jologs Na Yuppie!

Top 10 Emerging Influential Blog 2009- Complete List

Author: admin // Category:
.
After almost a week of thinking and analyzing what blogs will complete my list for the Top 10 Emergin Influential Blog 2009. Now I revealed my 2nd batch of List. Again this is based on my own decision. A lot of people who gave their comments regarding list of blogs to choose quite influenced me but I still based on the blog's impact in this blog and how the chosen blog influenced so much the regular readers of Jologs Na Yuppie.
.
Almost many of my friends here in blogosphere convinced me so much to include my own blog in the list, because according to them, Jologs na Yuppie is very much qualified to be nominated. So after a couple of days, I decided to consider the voice of my readers and it made me realized to love my own blog as what other bloggers' principle implied, and that is to "love your own!" (wink).
.
Now to complete my list..here's the other nominees including the 1st batch I listed few days ago:
.
1. Kodigo Ni Kaylito
2. Kebism: Music, Movie and Tech All in One
3. Minddeth
4. Palipasan
5. Make or Break
.
.
Other blogs that I am thinking to consider and I know a deserving influential blog too are: Jettro's Hangout, Zorlone, Mundo ni Ching, Pickleminded, Stupidient, IAmStayingAlive, Dearbloggery and a lot more.
.
Congratulations and Goodluck to all the bloggers in my list.