I made this widget at MyFlashFetish.com.

My Real Confession!

Author: admin // Category:
.
Sa dalawang linggong pahulaan narito at pinagsama sama ko ang mga sagot ng mga naghula kung ano ang TOTOONG NANGYARI sa buhay ko. Halina at tingnan natin.
.
1. Pinanganak ako sa probinsya ng Zambales...
=>Chikletz- #1 para sa akin.. dahil may naalala akong nabasa ko dito sa blog mo na taga Zambales ka dati at bata ka pa lang nung lumipat na kayo sa Manila. anung explanation ba ang kelangan? haha! niresearch ko yan. sana tama.
.
2. Nagtapos ako ng Magna Cum Laude sa isang sikat na Univerisity...
=>Deth - My guess: 2 is true.
=>Stupidient -sakit sa ulo!!!!!!!!!!!!!!!!!pero ang hula ko ay 2. Naniniwala akong matalino ka. Parang kahit naman hindi ako naniniwala eh talagang matalino ka. 2! (cross fingers)
.
3. Nagtrabaho ako sa Jollibee, McDonalds at KFC...
=>Bluedreamer27- hula ko ito 3. Nagtrabaho ako sa Jollibee, McDonalds at KFC nung ako ay nasa kolehiyo pa lamang upang tustusan ko ang aking pagaaral dahil kapos kami sa pera nuon.dumaan din kasi ako sa ganito at ang magtrabaho sa mga fast food chain ay isang magandang simulaan sa isang pagiging professional sa buhay...
=>Meryl - i guess number 3...parang sa lahat ng 10 nabanggit...bigla na lang nagpop-up sa aking brain ang face ni crisiboy na nagtrabaho sa fastfood upang tustusan ang pagaaral at sa kadahilanang umahon eh ngayon ay nagtatrabaho na sa company na puro pera ang hawak hehhe.
=>Clarissa - Sa tingin ko eh number 3..Naniniwala ako na matalino ka dahil sa kabuuan ng blog mo^_^Magaling ka pang magsulat!!
=>Jettro -pwede ba isa payung number 3 din dahil yan nman tlaga kadalasang nangyayari sa mga taong nangangarap makapagtapos dahil sa hirap ng buhay gagawin ang lahat.
.
4. Bunso ako sa 3 magkakapatid....
=>Hari ng Sablay- #4 ang totoo. ang galing ko tlaga manghula, yahooo!
=>Jettro- pasale parekoy palagay ko yung number 4 dahil mahirap paniwalaan hehehe pero yan cguro ang totoodahil nakikita ko naman lahat ng ginagawa mo dito sa website mo may angking talino karin parekoy (parang ang layo sa sagot..parang sa ibang number toh ah?hmm..)
.
5. Nagtrabaho ako sa isang insurance company...
WALANG SUMAGOT SA NUMBER NA TOH...
.
6. Last Summer ngapunta ako sa Bohol...
WALA RIN SUMAGOT SA NUMBER NA TOH...
.
7. Nuong 7 years old ako..inenroll ako ng mommy ko sa Milo Best...
=>Gi-Ann-ans ko is 7? i dunno if tama. hahaso okay 7.
.
8. Sa buong talambuhay ko di pa ko nakakaranas ng isang grand birthday celebration...
=>Pehpot-waaah parang lahat naman totoo..pero ang hula ko e ung number 8. bakit? wala lang para may party!!!
=>Ching-pahabol nga baka makatama sa number 8 na ako hehehe lagi kasi ako kumakain sa bonga mong birthday.....baka matamaan ko ang sagot ingats...
.
9. Gustong gusto ng mommy ko nuon na maging abogado ako..
WALANG RIN SUMAGOT SA NUMBER NA TOHH..
.
10. Mahilig ako magbasa ng pocketbooks.
=>Acrylique- Hehe. Parang ganito rin yung gagawin kong whatevah 10! :)Ok. Hula ko number 10.Sabi ng cursor ko, iyon daw. Parang hindi pocketbooks. parang mga magazines eh. Hehe
=>Kox - ang hirap nman, cguro number 10... lalake? pocketbooks? hahahhaa
.
NGAYON ETO NA ANG AKING SAGOT:
Unahin na natin ang mga numero na walang sumagot...
.
# 5 - Mukang nagresearch ang lahat at alam na isa akong bangkero at nagttrabaho sa isang bangko therefore hindi sa isang insurance company and hindi ako sa sales department..sa operations department po ako nakaassign.
.
#6 - Mukang nagresearch din ang mga mambabasa ko dahil hindi talaga ako sa Bohol nagpunta last summer kundi sa Puerto Galera, Anawangin Islands at sa Lagos Del Sol Lake Caliraya Resort.
.
#9 - Gusto talaga ng mommy ko na maging doctor ako at hindi abogado. At naging doctor ako sa isang progrma sa school nuong elementary.hehehe
.
Sa mga sumagot..eto na..huminga ng malalim at sasagutin ko na..
.
#10 - Hindi po ako mahilig magbasa ng pocketbooks at wala po akong tyaga magbasa ng pagkahaba habang novela, pocketbooks o kahit anong babasahin. Pagsolvin mo na ko ng math problems, algebra or statistics huwag mo lang ako pagbasahin dahil tamad ako magbasa..hehe
.
#1 - Hindi rin po ako pinanganak sa Zambales, taal po kaming taga Pasig City at dito na ko lumaki eversince. At hindi po sa Pasig nakahanap ng trabaho ang mga magulang ko kundi sa ibang City po.
.
#4 - Panganay po ako sa 2 magkakapatid at hindi po bunso at pareho pa po kaming single. Tagal ko pa balak magasawa..nagiipon pa..wink!
.
#7 - Mahal po ang pambayad sa Milo Best kaya di na nagaksaya si Mommy na ieenrol ako dun at nakakahiya man sabihin, hindi po ako marunong lumangoy kaya hindi ko hilig ang swimming na sport. (dyahe!)
.
#3 - Never po ako nakaranas na magtrabaho sa Jollibee, McDonalds at KFC kahit gustuhin ko man. Pero mas pinili ko magconcetrate sa pagaaral ko dahil mura lang naman ang tuition fees ko nuong college ako.
.
#8 - Sobrang nakakaawa naman ako kung hindi ako nakaranas ng isang grand birthday celebration eh paborito ako ng lola ko. Noong 7 years old ako sobrang engrade ng birthday ko. Sya nga pala malapit na ang birthday ko ..July 23 na po at hindi 24 so ihanda nyo na po mga regalo nyo skin at maghahanda ako ng husto at iinivite ko ang lahat ng mga kaibigan ko.
.
# 2 - Ayoko man magmalaki pero ito ang TOTOONG NANGYARI sa buhay ko. Sinikap kong magaral ng husto kaya eto may magandang trabaho ako at sumusweldo ng maganda.
.
Ito ang purpose ko kaya nagawa ko itong blog post na ito. Magsilbi sanang inspirasyon sa lahat ng mga kabataan ngayon na magsumikap sa pagaaral. Hindi naman kailangan "with flying colors" basta ang importante makapagtapos sa pagaaral at makahanap ng magandang trabaho. Amen!
.
Dahil 2 ang nakasagot ng tama...to Stupidient and Deth, may libre kayong ISANG MEAL from any of the following na gusto ko sanang pasukan at magtrabaho nuong nasa college pa lang ako. So choose from Jollibee, McDonalds and KFC. Aba may libreng promote pa sa 3.hahaha
.
Email nyo lang ako sa jologsnayuppie@yahoo.com para makuha nyo number ko at maibigay ko ang price nyo.
.
Sa lahat ng mga sumali (Gi-Anne, Acrylique, Chikletz, Hari ng Sablay, Kox, Bluedreamer, Meryl, Pehpot, Clarissa, Jettro and Ching) sa pahulaan maraming salamat sa inyo at abangan nyo ang next na pacontest ko! Mas maganda na ang price. Handog ko sa inyo ang badge or award na ito bilang consolation price.





P.S.: Sa mga di pa nakakasubmit ng entries nila sa Top 10 Emerging Influential Blogs 2009, please submit your entries now at Ms. Janette Toral's website at http://www.influentialblogger.net/

Sama nyo po ang Jologs na Yuppie ha..Thank you!

My Top 10 Emerging Influential Blogs 2009

Author: admin // Category: ,
.
.
Now its my turn to give my list of Top 10 Emerging Influential Blogs 2009. For the information of everyone, this is a writing project that seeks to identify new and emerging blogs that are making an impact to its readers in 2009. A particular blog is to be qualified if this blog started anytime from May 1, 2008 up to the present. For more information, rules and qualifications, you may visit Ms. Janet's blog post regarding this.
.
Of course, I really believe that my blog is qualified to be nominated on this writing project but I dont want to be bias and nominate myself just to complete the Top 10 list. I will let other people nominate me if they really believe that my blog deserves the title of being an Emerging Influential Blog for 2009.
.
During my 2 months of blogging, as what I've said with my previous posts, I already gained a lot of friends through blog hopping. And it took me quite some time to think and list my possible nominees because I already knew more than 10. But for now I just want to give my partial list in which I think 100% deserve to be included. I just want to clear up that no one influenced me in coming up with my partial list. It is purely my own decision and I based it on the impact that his/her blog brought to me for being an influential one.
.
Here's my UPDATED list now:
.
.
So please help me to complete my partial list. It may be you or whoever you want to recommend. You can make a comment here for your suggestions. You may suggest your blog or your friend's blog or our friends' blogs. Your suggestion is very much appreciated. I might give a surprise gift again for those who will exactly give the perfect remaining 5 blogs that will match with my full list which I will post here after a week.
.
.
Now its your time to think and complete your own list of Top 10 Emerging Influential Bloggers of 2009. As a suggestion, you may include my blog "JOLOGS NA YUPPIE" if you really believe that this blog deserve the title. (wink!)
.
What are you waiting for, cast your vote and submit it to Ms. Jannet's website.

End of the World 2012 Movie

Author: admin // Category: ,
According to the Mayan predictions, 2012 is the end of the world? Is it true?
.
Well lets prepare ourselves because on November 13, 2009, another sure to be blockbuster movie will be launched in our silver screens which will feature the Mayan's prophecy of devastation of the entire planet earth when Year 2012 is to come.
.
From the direction of Roland Emmerich, the man behind the success of The Day After Tomorrow and Independence Day, this will give a full force cast of John Cusack, Thandie Newton, Woody Harrelson and Amanda Peet
.
For more informations and link to 2012 Movie Trailer. Please see 2012 End of the World 2012 Movie Trailer link post from Crisiboy.Com.
.
So prepare yourself on November because this movie may imply us signs if the 2012 End of the World is already coming.
.

It's a Father's Day Celebration!

Author: admin // Category: ,
.
Haligi ng tahanan, Pinuno ng Pamilya...daddy, dad, dada, tatay, ama, amang, papsi, pappy, papa, ito ang kadalasang tawag sa iyo. Ikaw ang bumubuhay ng pamilya. Wala kaming lahat dito kung kung hindi dahil syo.
.



.
Ngayong araw mo..nararapat lamang na ikaw ay ipagbunyi at ipagmalaki sa buong mundo dahil sa kakatagan mo at dahil sa sipag at tyaga mo upang bigyan mo ng magandang buhay ang iyong mga anak at ang buong pamilya mo. Ikaw na kaagapay namin sa lahat ng mga problema at adhikain namin sa buhay. Ikaw na syang tumutulong at unang sumusuporta sa amin mula pagkabata hangang paglaki.
.
Bagamat wala na akong ama..masasabi ko pa rin na masaya ako at nakasama ko sya kahit sa sandaling panahon lamang. Kung nasaan ka man 'tay.. Maraming salamat sa iyo and Happy Father's Day!
.
Happy Father's Day sa lahat ng Tatay sa buong mundo!
.



Alin Alin ang Naiba, Hulaan Nyo!

Author: admin // Category:
Hayyy its Sunday once again and my plans later afternoon is to go to church and hear mass. Natuwa ako sa isang blogpost ni Chikletz ng My Orange Vest tungkol sa kanyang pahulaan kung ano sa sampung nabangit ang hindi nangyari sa buhay nya. Since na-tag nya ako..ngayon ako naman ang magbabangit..ngayon babaligtarin ko naman..alin sa sampung ito ang TOTOONG NANGYARI sa buhay ko..Sige na nga magkakamit din ng gantimpala and sinumang makakahula ng tama at sympre dapat may magandang explanation.
.
Kapag marami ang nakahula sa number na iyon..ang pipiliin ko ay ang may pinakamagandang explanation. Ok lets start the game!
.
1. Pinanganak ako sa probinsya ng Zambales ng mga nanay at tatay ko. Lingid sa kaalaman ng lahat pumunta kami sa Manila, partikular sa Pasig upang makipagsapalaran at dito nakanap ng trabaho ang mga magulang ko.
.
2. Nagtapos ako ng Magna Cum Laude sa isang sikat na University sa Pilipinas sa kursong College ng Bachelor in Business Administation major in Marketing
.
3. Nagtrabaho ako sa Jollibee, McDonalds at KFC nung ako ay nasa kolehiyo pa lamang upang tustusan ko ang aking pagaaral dahil kapos kami sa pera nuon.
.
4. Bunso ako sa 3 magkakapatid at ang 2 kong kapatid ay may mga asawa at anak na ..ako na lang ang natitirang single sa aming magkakapatid. Balak ko na rin magasawa sa isang taon.
.
5. Nagttrabaho ako ngayon sa isang sikat na insurance company at lagi akong nagtotop sa sales namin kaya naman ang bilis bilis kong nappromote taun taon.
.
6. Last Summer nagpunta kami sa Bohol ng mga kaofficemates ko..sobrang ganda dun lalo na ang Chocolate Hills. Halos parang gusto ko na ngang tumira dun eh.
.
7. Nuong 7 years old ako..inenroll ako ng mommy ko sa Milo Best, sa field ng swimming at pagkatapos nuon lagi akong nanalo sa mga swimming contests sa school namin.
.
8. Sa buong talambuhay ko di pa ko nakakaranas ng isang grand birthday celebration kaya ngayon darating na birthday ko sa July 24 eh maghahanda ako ng husto at iinvite ko ang lahat ng mga kaibigan ko.
.
9. Gustong gusto ng mommy ko nuon na maging abogado ako..kaya ako rin naman simula nuon pinangarap ko na rin maging abogado..kahit sa pangarap lang naging abogado ako sa isang program sa school namin.
.
10. Mahilig akong magbasa ng pocketbooks about love story kaya naman last year na birthday ko binigyan ako ng 50 pocketbooks ng mga barkada at kaofficemate ko.Un din naman kasi ang request ko.
.
.
Ngayon simulang mo nang hulaan kung ano sa mga yan ang totoong nangyari sa buhay ko.

Today is Independence Day!

Author: admin // Category: ,
Since June 12 ngayon at Independence Day, lets all commemorate our history and where Independence day began. Sa mga Pilipinong hindi na nakakaalala ng history well join with me to reminisce the past.
.
We all know that the Philippine Declaration of Independence Day happened on June 12, 1898 in where the Filipino revolutionary head General Emilio Aguinaldo proclaimed the independence of the Philippines against the colonial rule of Spaniards kung saan winagayway ang bagong disenyo ng bandilang Pilipinas sa Kawit, Cavite.
.
Nakatutuwang isipin na halos saan mang dako ng mundo ay may Pilipino kayat ibat ibang celebration ang nangyayari ngayon sa iba't ibang bansa. So it means parang nagiging pandaigdigan celebration na ang Philippine Independence Day! Wow sikat ang Pinoy!
.
Let say at the US, the largest celebration of Philippine Independence day take place in New York City. Mantakin mong nagpaparada sila sa Manhattan' Madison Avenue from 23rd to 40th Streets. Sosyal di ba? Aside from that may mga Grand Parade, Street Fair and Cultural Show pa nangyayari sa iba't ibang states ng US
.
Dito kaya sa Pilipinas, papaano kaya icecelebrate ang Independence day? Ikaw at your own way papaano mo icecelebrate ang Kalayaan ng Pilipinas at ipagsisigawan sa buong mundo na Pinoy ka at malaya kan sa isip, sa salita at sa gawa?
.
May premyo ang may pinakaunique at pinakamagandang sagot!!!! hehehe!

No To ConAss!

Author: admin // Category: ,
Ilagay ang badge na ito sa iyong blog bilang simbulo ng iyong pakikiisa sa No to ConAss Campaign o ang pagtutol sa pagamyenda ng Saligang Batas ng Pilipinas.
.
Lingid sa kaalaman ng lahat, malaki ang maitutulong nito upang magkaisa ang sambayanan Pilipino na huwag nang patagalin ang termino ng panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon.
.
Magkakaroon ng isang malawakang rally sa June 10 sa buong Kamaynilaan na kung saan ang lahat ng mga sector ng lipunan ay inaanyayahan makiisa.
.
Sa internet o Filipino Online community, mapapansin nyo na laganap na ang pulang badge na yan. Ibig lamang sabihin nito na kahit hindi ka pisikal na dumalo sa rally, sa pamamagitan ng iyong blog ay paipapahatid mo ang iyong pakikiisa tungo sa ikakauunlad ng sambayang Pilipino.

Banana In a Day Keeps Doctor Away!

Author: admin // Category:
Guys, I just want to share this articles that I've got from my email at the office. This is about the usefulness of banana and how banana will help us in our daily lives.
.
A Professor at CCNY for a physiological psych class told his class about bananas. He said about many effects of bananas on the brain. Never put your banana in the refrigerator! After reading this, youll never look at a banana in the same way again.
.
Banana contain three natural sugars-sucrose, fructose and glucose combined with fiber. A banana is a substantial boost of energy. Research has proven that just two bananas provide enough energy for a stenuous 90-minute working. But energy isn't the only way a banana can help us keep fit. It can also help overcome or prevent a sick condition, making it a must to add to our daily diet.
.
Depression: According to a recent survey undertaken by MIND amongst people from depression after eating a banana. This is because banana contain trytophan, a type of protein that the body needed to make you relax, improve your mood and generally make you feel happier.
.
Anemia: High in iron, banana can stimulate the production of hemoglobin in the blood and so help those anemic people.
.
Blood Pressure: Banana is extremely high in potassium yet low in salt making it prevent or reduce the risk of high blood pressure and stroke.
.
Brain Power: 200 students at Twickenham school in England were helped through eating banana at breakfast, break, lunch in a bid to boost their brain power. Research has shown that banana assist learning by making pupils more alert.
.
Constipation: High in fiber, including banana in the diet can help restore normal bowel action without resorting to laxatives.
.
Hangovers: One of the quickest ways of curing hangover is to make a banana milkshake, sweeten the stomach and with the help of the honey, builds up depleted blood sugar levels.
.
Heatburn:Banana have a natural antacid effect in the body, so if you suffer from heatburn, this will ease your problem
.
Morning sickness: snacking on banana between meals helps to keep blood sugar levels thus help you to become more alive and avoid the morning sickness habit.
.
Mosquito bites: Before reaching for the insect bite cream, try rubbing the affected area with the skin of banana, thus some people find it amazingly successful at reducing swelling and irritation.
.
Nerves: Banana are high in vitamin B that help calm the nervous system
.
Overwight: and at work? Studies shown found pressure at work can cause overweight likeeating chocolates and chips. Researchers found the most obese were come from jobs. At conclusion, to avoid panic-induced food cravings, we need to control our blood sugar by eating banana thus to keep levels steady for carbohydrate foods every two hours.
.
Ulcers: The banana is used as dietary food against intestinal disorders because of its soft texture and this raw fruit can be eaten without distress in over-chonicler cases. It also neutralizes over-acidity against the lining of the stomach.
.
Temperature Control: Many other cultures see bananas as "cooling" fruit that can lower body temperature of expectant mothers. In thailand, pregnant women eat bananas to ensure the steadiness of their body temperature.
.
Smoking & Tobacco Use: Banana can also help people trying to give up smoking. The B6, potassium and magnesium found in them, help the body recover from the effects of nicotine withdrawals.
.
Stress: Potassium is a vital mineral, which helps normalize the hearbeat, send oxygen to the brain.When we are stressed, our metabolic rate rises, thereby reducing our potassium levels. Thus take it regular for a high-potassium banana snack.
.
Strokes: According to research, eating bananas as part of our daily meal reduce the case of death by strokes by as much as 40%!
.
Warts: Those keen on natural alternatives swear that if you want to kill off a wart, take a piece of banana to your wart, with the yellow side out. Carefully hold the skin in place with a plaster or surgical tape.
.
So a banana really is a natural remedy for many ills. When you compare it to an apple, it has four times carbohydrate, three times phosporus, five times the vitamin A and iron, and twice the other vitamins like potassium and is one of the best value foods around. So maybe its time to change the well-known saying and tell the people that "Banana in a day keeps the doctor away!"
.
PASS IT ON TO YOUR FRIENDS!
.
PS: bananas must be the reason monkeys are so happy all the time! I will add one here, want a quick use of the INSIDE of banana skin, and rub directly on the shoe...polish with dry cloth! Amazing fruit!!!

10 Best Blog Awardee

Author: admin // Category:
Its June already, kalahati na ng taon, tag-ulan na naman. Sa halos dalawang buwan kong pagbblog buhat ng kauna-unahan kong post sa blog na ito, marami akong nakilalang mga ka-blogger di lang dito sa Pinas kundi sa iba't ibang dako ng mundo. Now, it's about time na pasalamatan ko ang mga taong walang sawang sumuporta at nagtyagang magbasa sa mga blog post ko kahit ito man ay may katuturan, o kapupulutan ng aral, information o babala. At ikaw yun. OO ikaw yun na nagbabasa ngayon nito. Marami ang natuwa, nainis, natakot, nalungkot sa mga blogpost ko. Gayunpaman, akoy natuwa din at kahit papaano may nakaapreciate ng mga ginawa ko. Ngayon ipinagkakaloob ko ang "BEST BLOG AWARD" na ito sa sampung taong walang sawang nagtyaga na magbasa at magcomment sa mga blog post. Alam ko marami kayong ang nagbasa at nagcomment dito, ngunit ang 10 Tao na nagmula sa 10 iba't ibang blog ang syang nagpainspired skin ng husto na ipagpatuloy ang pagbblogging at gumawa pa ng iba't ibang kwento at istorya ng buhay ng isang Jologs na Yuppie.


Narito silang lahat..
.
1. (27 comments) MOKONG of Mokong (Ano ang Nasa Isip Ko!)
Isa sya sa mga unang nakilala at naging kaibigan ko sa blogsphere na ito. Isang Engineer sa katauhan ni Sherwin Calalang na halos araw araw ay may bagong hain na blog spot para sa masugit nyang tagasubaybay. Sa blog nya makikita mo ang pinakamalaking signbook na nakita ko na wala sa ibang personal blog. Post about lifestyle, movie review, work related and people appreciation are his blog's forte. Pare salamat sa lahat ng suporta mo..next month marami ka nang kalaban sa top slot.
.
2. (16 comments) THE POPE of Palipasan
Isang OFW sa Middle East na may adhikain na ang pagbblog ay isang "Aliwan ng Pagal na Isipan". Nakatutuwang isipin na every time lahat ng mga comment nya sa mga post ko ay masusing pinagisipan at kapupulutan ng aral. His blog most number of post includes poem about being Makabayan and successful endeavors in life as an OFW. Sir Pope salamat po sa lahat ng advise mo.
.
3. (15 comments) BLUEDREAMER27 of Top Five ( Main)- Bluedreamer Paradise
A 20-year old student from Cavite who was addicted to blogging. Sa sobrang dami ng kanyang blog..ang Top 5 lang yata ang nakaadd sa blog roll ko. Lubos kong hinahangaan ang batang ito sa ganda ng mga layout ng lahat ng blog nya. Kamakailan lang sya naging active sa pagpopost ng comment sa blog ko ngunit sa bawat comment nya nandun ang pagbati at nagsasabing napadaan sya sa blog ko. Bro thanks for always coming in my blog.
.
4. (13 comments) LORD CM of Dungeon Lord CM
Sa blog nya nakuha ko ang kauna unahang award para sa blog ko ang nagbabagang blog award. Isa rin sya sa mga unang naging kaibigan at kausap ko nung ako ay nagsisimula pa lamang sa pagbblog. Naalala ko pa na isa ang blog nya sa naging inspirasyon ko na gumawa na pumili ng isang magandang theme ng blogger layout. Lubos akong namangha sa ganda ng pagkakadisenyo ng blog nya. Bisitahin nyo ang blog nya at mamangha kayo sa sariling disenyo ng blog layout nya.
Bro thanks sa tulong mo nung unang magtanong ako syo nuon about blogging.
.
5. (13 comments) BADONG of Bahay ni Badong
What I liked most in his blog is his english proficiency in all his post because all his blog post are in english. A PUP student na ang tanging pangarap ay maging isang superstar na tennis player. Most of his posts includes foreign celebrities in Holywood and other countries. Bro daan ka ulit sa blog ko ha..
.
Isa rin sya sa mga unang nakilala ko sa blogosphere. A young, smart, beautiful and adorable pinay..san ka pa..whom I think most of men would admire him. Her blog tackles many things about foods, lifestyle, beatiful places in US. Super sweet nitong taong ito at kapag nagmessage ka sa kanya, kahit bz sya ay makukuha pa rin nyang magreply sa iyo. Meryl, thanks sa lahat ng supports.
.
7. ( 8 comments) ENHENYERO of Braggies
Obvious ba na isa siyang construction engineer na nagttrabaho sa Singapore. Lagi nyang pinapakita sa blog nyo ang pagtravel nya sa iba't ibang lugar na nadedestino sya..tama ba ko pre.. Braggies nga ba dapat ang ifeature ko na blog mo..nalilito ako pre ung isang blog mo kasi walang laman eh..hehehe..salamat din sa suporta.
.
8. (8 comments) POGING (ILO)CANO of Poging (Ilo)Cano
Pogi daw oh..tama ba ko pre..isa sya sa pinakamakulit at kabiruan ko sa blogosphere. Isa rin sya sa mga unang nakilala ko dito. Kilabot ng mga babae at namumukudtanging nagpapatulog lagi sakin at nagsasabi na magpahinga naman ako sa pagbblog. Tingnan nyo na lang ang blog nya na may titulong "Ang Buhay ng Isang Probinsyanong Nangangarap" at malalaman nyo kung anu-ano ang mga pinagpopost nya..hehehe
.
9. (8 comments) PIPO of The Missing Pen
I describe Pipo as a smart and articulate young boy. All his post was originally composed by himself. He tackles about the latest happening in his life and about other people's lifestyle. Gusto ko ang concept or title ng kanyang blog specially with his advocacy of joining him in searching for his missing pen..hehehe..bro mukang bz ka ha..daan daan ka dito pag di ka na bz..
.
10. ( 7 comments) DETH of Minddeth
Isa sya sa mga kaclose ko na babae sa blogosphere. Naks feeling close! Sobrang kulit nito at handa siyang makipagkulitan kung gugustuhin nya. Lagi ko syang inaasar about sa manliligaw nya na nadiscover ko sa chatbox nya..hehehe. Isang Batanguena na nagtatalakay about sa buhay buhay, mga pighati at kalungkutan, mga tula at movie review ang kadalasang makikita mo sa blog nya. Hi deth, sensya ka na sa mga pangungulit ko sana wag ka mapikon.Hehehe
.

Hindi kailangan mangampanya para makuha ang Award or badge na ito...Hindi kailangan manghimok ng tao na iboto ka para sa award na ito dahil para sa akin, pagtunton mo sa blog ko..IKAW AT ANG BLOG MO ANG BIDA! OO nga't sasabihin mong isang badge lang yan pero ang katumbas nyan ay taos pusong pasasalamat at appreciation sa iyong naitulong sa blog ko at ito ay mula sa isang kaibigan na nakakausap mo at nagttyaga rin magbasa ng mga blog post mo.

Ngayon inaanyayahan ko ang lahat ng nagbabasa nito na magbigay ng "makabuluhang comment" sa lahat ng naipost kong articles o kwento sa blog na ito.. Ang sino man magiging "Top Commentator" sa next month ay magkakamit ng simpleng gantimpala galing sa mayari ng blog na ito. It is a surprise! and it's a Secret! A simple token of appreciation will do...

Ano pang hinihintay mo!..Comment na!..Oppsss walang sapilitan ito..maari mong deadmahin o hindi pansinin ang mga sinabi ko, at tuluyang lumabas sa blog ko kung hindi mo trip na magcomment. Hehehe!

Guys..Bisitahin nyo rin yung bagong blog ko..eto ang link Crisiboy.Com pwuede rin kayo magcomment jan pero hindi ko na macocount yun..hehehe pero much appreciated kung magcocoment din kayo jan.

Happy blogging and Thank you for your Comments!