I made this widget at MyFlashFetish.com.

Showing posts with label sentiment. Show all posts
Showing posts with label sentiment. Show all posts

I'm Back at Work!

Author: admin // Category: , ,
.
7-day vacation leave..eto ang naifile ko sa office para lang makapagpahinga at magbakasyon sa Zambales ng tatlong araw at pumunta sa Puerto Galera ng Weekends. Abangan nyo pala ang buong detalye ng aking kwento at karanasan sa Puerto Galera. Ngayon eto ako balik sa bangko na pinaglilingkuran ko. Tambak ang trabaho lahat napending nang ako ay magbakasyon. Bagamat nakakapagod..pero ganito ang buhay, kelangan kumita at kumayod dahil kung hindi..kawawa ako at gugutumin ang pamilya ko.
.
Pagpasok pa lang sa office lahat na bumati ng “Welcome Back”. One-on-one meeting agad sa boss ko tungkol sa mga nangyari sa mga nagdaang araw. Pagkatapos balik sa desk para simulan ang tambak na trabaho. Eto ang buhay ng isang bangkero. Maraming pinaglilingkuran, maraming sineserbisyuhan. Maraming pera sa bangko pero sa kumpanya un at hindi sa akin. Lingid sa kaalaman ng lahat, kapag nasa bangko ka raw malaki ang sweldo. Well magtanung tanong na lang kayo sa mga kakilala nyo. Minsan talaga maiisip mo…”pede bang umupo na lang at magtutulog sa bahay pero kumikita ka pa rin ng pera?”. Ngunit alam nating lahat na imposible yun.
.
Isang araw na lang at long weekend vacation na ulit. Muli akong magpapakasaya sapagkat eto ang araw ng aking 4th summer escapades. Pupuntahan naming ang Isla ng Anawangin sa Zambales ulit. Malapit lang ang bahay bakasyunan naming duon pero hindi ko pa sya napupuntahan kahit kelan. Kaya ngayon eto ako sabik na magenjoy.

Buhay Probinsya

Author: admin // Category: , , , ,
.
Ilang taon na rin ang nakararaan nang ako’y huling umuwi at magbakasyon sa aming probinsya sa Zambales. Eto ako ngayon at muling binisita at inalala ang aking mga magandang alaala dito sa bayan ng Sta. Cruz lalo nung ako ay kabataan pa. Mula sa 6 na oras na byahe galing Maynila, habang binabagtas namin ang daan..ilang kilometro na lang ay malapit na sa aming mumunting bahay. Banaag ko ang malaking pagbabago at pag-unlad ng nasabing lugar. Hindi ko na halos matandaan ang mga palatandaan na malapit na kami sa aming bababaan dahil sa dami ng mga bahay na nakatayo sa paligid. Ang dating puro puno ng saging, at masukal na kagubatan, ngayon napalitan na ng dikit dikit at naguumpugang mga bahay.
.
Minsan naiisip ko, masarap pa rin mamuhay sa probinsya. Sabi nga nila, malayo sa usok, sa polusyon, sa ingay at sa gulo na rin. Bagamat dikit dikit na ang mga bahay dito. Bakas pa rin ang katahimikan ng paligid na animoy lahat ay nahihimbing sa pagtulog kahit katirikan ng araw sa tanghali. Pagbaba pa lang ng sinasakyan naming bus, bumungad na sa amin ang mga tiyahin at mga pinsan ko na minsa’y naging kasama ko sa aking paglaki.Pinagmasdan ko ang lupang minana pa namin sa aming mga lolo at lola. Nakakamiss ng husto ang Lipay. Una ko agad tinanong kung papaano pumunta sa dagat na halos lagi ko nang nakagawiang puntahan kapag nagbabakasyon ako duon.
.
Ilang minuto lamang ay narating na namin ang dagat. Kay sarap ng simoy ng hangin, walang katao tao na animo’y iyong iyo ang lugar. Palatandaan sa akin ang malaking bato sa gitna ng dagat na kung tawagin at Bato ni Barang. Sympre, malilimutan ba naming ang lagi na naming kinagawian pag pumupunta ako sa dagat na iyon… yun ay ang manguha ng mga shells at mga bato. Pagsapit ng hapon, napilitan na kaming umuwi baka kasi kami abutin ng dilim sa daan. Sa lugar na iyon, wala pa rin pagbabago. Ganun pa rin ang lubak lubak na daan at masukal na kagubatan. Sa katahimikan ng lugar, di pa rin maiwasan ng magpipinsan na magkatakutan sa kung anuanong engkanto at aswang ang nagpapakita at nagpaparamdam duon.
.
Pagsapit ng gabi, ang mga inaabangang kong mga pagkaing probinsya ang nadatnan naming sa hapag kainan. Samut saring isdang malalaki, mga gulay na at iba pang kakanin na minsan ko lang makain sa Maynila. Natawa na lang ako ng sabihin sa akin ng pinsan ko na sa bayan daw ay may internet na. Siguro nga kahit sino at kahit saan ay may pagbabago na rin at may konting pagunlad. Ang tao kasi ay patuloy na natututo at patuloy pa rin uunlad. Kayat heto ako nagawa ko pa rin maginternet ang magpost ng entry sa blog ko.
.
Sa 3 araw na pamamalagi ko sa lugar na ito. Marami akong mamimiss. Naisip ko rin na minsan hindi naman talaga kailangan ng tao ang karangyaan para mamuhay. Nasasaatin lang kung papaano tyo mamumuhay ng simple ngunit masaya. Pagbalik ko sa amin sa Maynila, babaunin ko ang isang magandang alaala. Isang simpleng pamumuhay. Isang payapang paglalakbay..at ito ay ang Buhay Probinsya!
.

Mga Pilosopiya ng Pinoy sa Pag-ibig

Author: admin // Category: ,
Nakuha ko to sa isang Friendster Bulletin and Facebook notes ng isang kaibigan. Nasisigurado ko na lahat tayo ay makakarelate sa mga punto per punto at alam kong iba sa atin ay naranasan na o kaya ay nararanasan na ang mga sumusunod...
.
.
MGA PILOSOPIYA NG PINOY SA PAG-IBIG
(Some content may not be for minor reading)
.
1."Kung hindi mo mahal ang isang tao,wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya…"
.
2."Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
.
3."Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
.
4."Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
.
5."Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
.
6."Kung maghihintay ka lang nang lalandi sayo,walang magyayari sa buhay mo… dapat lumandi ka din."
.
7."Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang." -
.
8."Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
.
9."Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… kaya quits lang."
.
10."Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman mgmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
.
11."Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausapsa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantu sawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang Friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
.
12."Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo,lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumiling kapareha dahil lang sa maganda o nakakalibog ito. Totoong mas maganda ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon,maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
.
13."Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
.
14."Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang yung bida sa script na pinili nya."
.
15."Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap muli ang taong tinalikuran mo."
.
16."Mas mabuting mabigo sa paggawa sa isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
.
17."Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan." ---
.
18. "Kung nagmahal ka ng taong hindi dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo.Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.Ngayon kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka parin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ mo ang mga sama ng loob mo sa buhay. Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak,atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!."
.
19."Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at pag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka…"
.
.
Ngayon sabihin mo sa akin kung anong ang pilosopiya mo sa buhay pag-ibig..

Pera o Kaligayahan

Author: admin // Category: , ,
Gusto ko lang ishare sa inyo ang isang nakatutuwang story o artikulo mula sa isang schoolmate. Itago na lang natin sya sa pangalang Arwen. Bagamat mahaba ang story, naway pagtyagaan nyo sanang basahin dahil sinisigurado ko sa inyong kapupulutan ito ng magandang aral sa buhay.Habang binabasa ko ang kanyang kwento ay hindi ko maiwasan mapangiti at naisip ko na minsan ay nagkaroon ng ito ng pagkakahawig sa buhay ko..Sundan natin ang kwento. .
.
*******
.
Nag-away kami ng nanay ko nung isang araw.
.
Ang topic? Pera. Nanghihingi kasi siya nang pambayad sa planstadora, at walang maibigay ang tatay ko, dahil 'di pa daw suweldo. At siyempre, dahil nagtatrabaho na 'ko, sa akin siya humingi. Nagkataon namang 'di pa rin ako sumu-suweldo, at malapit nang maubos ang ni-withdraw kong pera.
.
Kaya kalaunan, nagreklamo siya dahil kulang daw ang binibigay sa kanya para pang-budget sa bahay. Kesyo daw gipit siya sa pamalengke, pang-grocery at pambayad sa kuryente, tubig at iba pang bayarin. Kesyo daw na kami 'yung nagta-trabaho, kaya dapat nagbibigay kami sa bahay. Kesyo kami daw 'yung maraming magpalaba at magpa-plantsa. Kesyo daw dahil mahina ang exports (kung saan nagta-trabaho ang tatay ko), hirap na kami.
.
Medyo uminit na ang ulo ko. Sabi ko, nagbibigay naman ako nang hinihingi niya (ako kasi ang sumasagot ng tubig at panggrocery). Natigil lang kasi ngayon lang ulit ako nagtrabaho. At ako ang sumasagot sa pang-tuition naming magkapatid. Tutal, nakakaluwang naman kami.
.
Alam niyo ba ang hirit ng nanay ko? Kasi daw 'di ako kumuha ng trabahong mas malaki ang kita.
.
Simula nang nagtrabaho ako, hindi naging issue sa akin ang kikitain ko. Actually, ipinangako ko 'yun sa sarili ko. Ayokong maging pera ang dahilan ng pagtanggap ko sa isang trabaho. Mas gugustuhin kong kumuha ng trabaho na magagamit ko ang pinag-aralan ko (at kung mapapabuti pa 'ko nito), at kung may magagawa akong kapaki-pakinabang. Career growth over compensation, kumbaga.
.
Tutal, 'di naman ako nahihirapang maghanap ng trabaho. Salamat sa degree kong mula sa UP at ilan sa mga extra-curricular activities, astig ang dating ng resume ko. Okay din naman ang mga employment exams at interviews ko, kaya madali sa aking makakuha ng trabaho.
.
Naniniwala din kasi akong kasabay ng career growth at prestige na sinasabi ko, darating din 'yung compensation. Sabi nga ng tatay ko, bata pa ako. Experience muna ang habulin ko bago ang suweldo. Handa din naman akong maghintay.
.
Pero mukhang 'yung mga nakapaligid sa'kin, hindi.
.
Noong nag-a-apply ako ng trabaho, marami din namang nag-interview sa'kin. Hanggang ngayong may trabaho na 'ko, may mga tumatawag pa sa'kin. Isa dito ay isang istasyon ng telebisyon kung saan ni-rekomenda ako ng tiyahin ko bilang researcher. Tinatawagan nila ko para mag-exam. Siyempre, paano ko naman sisiputin 'yun, kaya sabi ko 'di ko alam kung kailan ako puwede.
.
Kinukuwento sa'kin ng tiyahin ko kung ano daw yung mga perks and benefits ng trabahong 'yun. Kesyo daw may free make-over, pa-kotse, bonuses, at mga complimentary passes pa sa mga restaurant, pelikula at concerts. At makikita mo pa at magiging ka-close ang mga artista.
.
Meron ding isang kumpanyang bahagi ng industry ng tatay ko na kumuha sa'kin. Dito daw, pag nag-travel ka, pinakamalapit na ang Hong Kong. Puwede ka pa daw makarating ng Amerika. Syempre, malaki din ang suweldo at ang opisina sa Makati. Yuppie talaga ang dating mo. Pero tinanggihan ko lahat 'yun.
.
Ayaw lang siguro iparinig sa'kin ng nanay ko, pero siguro iniisip niyang baliw ako para tanggihan ang lahat nang 'yun at tanggapin ang trabaho ko ngayon—sa isang ahensya ng gobyerno, sa 'di naman kalakihang suweldo at gipit na oras, pero napakalaki naman ng pagkakataon for career growth at prestige, mabilis ang promotion, at instantly marketable pa sa ibang international organizations.
.
Iniisip niya sigurong baliw ako dahil mas pinili ko ang maglingkod sa bayan kaysa ang bulsa ko. Na mas pinili ko ang magkulong sa isang opisinang badbad sa burukrasya kaysa makipagbeso-beso sa mga artista, maging yuppie at kumita ng malaki.
.
Pero anong magagawa ko? Dito ako masaya. Masaya akong paglingkuran ang bayang nagbayad ng tuition ko bilang Iskolar ng Bayan. Masaya ako sa dito sa trabaho kong nabibigyan ako nang kalayaan ng oras at panahon. Masaya ako at nakakatulong ako sa pagbuo ng mga paraan para umunlad ang mga mas hirap at maliliit pa sa akin.
.
Sana lang, dasal ko, maintindihan 'yun ng nanay ko.
.
*******
.
Eto lang ang masasabi ko para sa mga taong ginagawa ang gusto nila. At sa mga taong naglilingkod sa kapwa. Minsan talaga hindi nasusukat ng pera ang anumang kaligayahang nakukuha mo sa isang bagay na gusto mong gawin. Kaya sa mga gumagawa nito..Mabuhay kayo!!!

Neno's Award

Author: admin // Category: , ,

Ito ang ikalawang award na natanggap ko sa ka-jologs ko sa blogsphere. Actually nakita ko na tong award na to sa ibang blog na sinusubaybayan ko. Nahihiya lamang akong kunin kasi hindi ako nakatag or hindi ako included sa mga lists. Sa iyo Sherwin a.k.a. Mokong…bro maraming salamat sa award na tohh!

Why I love to blog?..simply because this is one way of meeting up new friends online. Imagine, in just a couple of days of blogging, marami na kong nameet na mga OFW’s thru blogging. This is also my way to write and express what I feel and what I want to do. Blog is also one medium of expressing my sentiments and passion at work and my own lifestyle. As I can echoed what other yuppies do to live a certain lifestyle that will match their goals in fulfilling their dreams and ambitions. Amen!

Now going back to this meaningful award, here are the rules:

The aims of this award:

•As a dedication for those who love blogging activity and love to encourage friendships through blogging.
•To seek the reasons why we all love blogging!
•Put the award in one post as soon as you receive it
•Don’t forget to mention the person who gives you the award.
•Answer the award’s question by writing the reason why you love blogging.
•Tag and distribute the award to as many people as you like.
•Don’t forget to notify the award receivers and put their links in your post.I want to pass this blog tag awards to the following bloggers whose friendship and support - your constant visits, reading my posts and leaving comments continues to inspire me, with all the gratitudes,
.

Since almost many bloggers are already tagged I would just share this award to those who haven’t received it yet:

.
1. Chubskulit of “Rose’s Obstacles and Glories”
2. Dhemz of “Etcetera..Etcetera”
3. Melai of “Manilenya”
4. Olan of “Olanology”
5. To all of you who takes time to visit my blog please don’t hesitate to grab this award. Enjoy Blogging!



Lessons From Work

Author: admin // Category: , ,

Its summer time and bakasyon na naman. Sympre graduation season ngayon at sa kabila ng world crisis or recession na nararanasan ng buong mundo ngayon eh hindi mo pa rin mapipigilan ang mga estudyante na magtapos sa kolehiyo.
.
Kaawa awang mga estudyante, natiming na world crisis ngayon kaya magexpect kayo kung dati mahirap maghanap ng trabaho ngayon ay wala nang mahahanap na trabaho. Nakalulungkot isipin na lalaki na naman ang statistics ng mga walang trabaho sa Pilipinas.
.
Sa kabilang banda, gusto ko rin naman kayong icongratulate kasi graduate na kayo. Hindi biro ang magsunog ng kilay sa college at lagpasan ang mga pasakit na dulot ng mga professors nyo. Of course, naranasan ko yan kaya alam ko ang pakiramdam during graduation day.
.
At sa 2 buwang magdadadaan, marami na naman akong makikitang palakad lakad sa Ayala at Makati na mga umpukan ng mga applicante na may dalang resume. Kapag nakita mo ang itsura na mejo bata pa, maiingay at may dalang brown folder o di kaya plastic folder, alam mo nang nagaaply yun at may dalang resume na iniiwasang malukot.
.
Walong taon na rin simula nang akoy magsimulang magtrabaho. Sa kabutihang palad bagamat Business Ad ang natapos ko eh nalinya ako sa banking industry. Sa kabuuna, 3 bangko na pala ang napasukan ko. Well madali lang naman maging bangkero.. Un nga lang konting ingat. And gusto ko lang ituwid ang mga tsismisan sa kanto naming na hindi porket sa bangko ka nagttrabaho eh bigtime ka na or malaki na ang sweldo mo. Sa katunayan ang bangko nga yata ang pinakamaliit na magpasweldo sa mga empleyado. Bumabawi na lang sila sa mga benepisyo at iba pang compensation package. Nang ako ay lumipat sa isang foreign bank..dun nagsimula ang magandang takbo ng career ko.
.
Sa walong taon kong pagttrabaho, marami na rin akong natutunan at nalampasan na unos sa aking career.
.

  • Isa sa mabisang paraan para mapansin ka ng boss mo ay pumasok ka ng maaga sa trabaho. Lagi mong ipakita ang enthusiasm mo sa work. In short lagi kang magpabibo at magpretend ka na alam mo lahat. Bukas makalawa promoted ka na.
  • Lagi mong ichecheck mabuti ang payslip mo kasi baka di mo alam mali na pala ang napasweldo syo. Ok lang sana kung sumobra sa credit ng amount. Ang mahirap jan kung kulang or mali ang kaltas syo.
  • Huwag na huwag kang magpapaapekto sa boss mo. Kung ang boss mo ay wala sa mood. Pag nagpadamay ka..sira na rin ang buong araw mo. Mawawalan ka na ng ganang magtrabaho at lagi mong ipagdadasal n asana ay 5:30 na para uwian na.
  • Kapag workaholic ang drama mo, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mo na nagiisa sa tuktok. The more na umaakyat ang posisyon mo. The more na mararanasan mo ang lungkot. Asahan mo the more na tumataas ka, the more na iiwasan ka at walang sasabay syo maglunch o umuwi.
  • Kapag napromote ka from staff to officer, wag na wag mong papangarapin na maging staff ang mga kasabayan mo na naging barkada at kaibigan mo na. Mind you hinding hindi kayo magkakasundo sa trabaho at kawawa ka kasi hindi mo sila mapapasunod sa ibang bagay dahil datidati magkakabatukan at magkakagimikan lang kayo.
  • Hindi sapat na magaling ka lang sa trabaho mo. Dapat marunong ka rin makibagay. Sobrang lungkot magisa sa office lalo na pag wala kang kakampi sa mga bagay na gusto mong ihingi ng pagbabago.
  • Kung sa mga job interview, kung sasagot ka ng oo ay pangangatawanan mo. Magsasayang ka lang ng panahon kung sasabihin mong kaya mong magraveyard shift kung hindi naman pala totoo.
  • Kahit saang kumpanya ka pumunta, hindi pa rin mawawala ang pulitika sa opisina.
    Walang perpektong trabaho, kahit saang kumpanya ka rin pumunta, maihahanap at maihahanap mo pa rin ito ng butas o ng weakness na ikakasanhi ng pagalis mo sa work. In short, minsan matuto ka rin makuntento kung ano ang meron sa kumpanya mo at iwasan mong icompare ang company mo sa ibang companya.
  • Hindi mawawala ang tsismisan sa opisina, pustahan tayo lahat kayo sa opisina nyo eh may mga baho na tinatago na maaaring alam ng ibang tao na hindi mo alam. Kanya kanyang drama sa buhay ang importante wag kang makialam ng buhay ng may buhay dahil hindi ka pinapasweldo ng kumpanya para makipagchismisan ka lang.
  • Totoo ang sabi nila, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi pa rin nila kayang suklian ito syo.
  • At Kung boss ka, huwag na huwag mong pipigilan ang mga nagnanais na umalis sa kumpanya. Manghahawa lang yan sa kapootan nila at sa hindi pagiging mabuting empleyado.
  • Mahalin mo ang trabaho mo kahit nahihirapan ka na, mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, ang sistema “last in-1st out”, sige ka baka maranasan mo yan pag lumipat ka pa ng ibang kumpanya.
  • Higit sa lahat, paggising mo sa umaga, magpasalamat ka sa Diyos at kahit tamad na tamad ka pumasok eh may trabaho ka pa rin at may pantulong ka pa rin sa pamilya mo.

Sa mga graduates.. Congratulations! Goodluck! and welcome to Jologs na Yuppie Club!