I made this widget at MyFlashFetish.com.

Showing posts with label summer escapades. Show all posts
Showing posts with label summer escapades. Show all posts

Anawangin, Camara & Capones Islands Hopping

Author: admin // Category: , , , ,
.
.
This is probably my one of the best summer escapades in my entire summer vacations every year. The idea of island hopping just came out last 2 weeks when one of my officemates invite me to join in the trip. Actually hindi ko planado this year na pumunta sa island na un, ewan ko ba kung anong nagtulak sa akin para sumama.
.
.
Day 1: 11:30pm, April 30, 2009
.
Impuntong nagkitakita kami sa Victory Liner Station sa Monumento, Caloocan. Nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng station. Nagpanic ang lahat dahil sa akalang wala ng bus na darating papuntang Zambales. Nagkatulakan, nagkabalyahan at maraming naiipit makasakay lang sa kakaunting bus na nakahanay. Dapat sisihin ang mismong Bus Liner dahil sa kawalan ng sistema lalo na kapag sumasapit ang long weekend and holidays. But we dont have any choice because this is the online liner who goes in the said province. Mabilis ang byahe naming dahil 2:30am pa lang nasa San Antonio, Zambales na kami. Nagpasya na kami agad na pumunta sa Pundaquit Island upang tumuloy sa isang Resort. Nahirapan pa kami sa paghahanap dahil walang kailaw-ilaw sa daan hangang marating namin ang Wild Rose Resort. Maganda ang lugar, malinis at kumpleto sa mga facilities. Pagttyagaan mo nga lang ang katarayan ng mayari ng resort..hehehe...
.
Day 2: 7:00am, May 1, 2009
.
Umagang umaga pa lang ay abalang abala na kami sa pagaayos papuntang Anawangin Cove. Sa Pundaquit Beach kami naghanap ng bangkang masasakyan papunta sa nasabing Isla. According to the driver, it will take a 30 minutes ride going to the Cove. So medyo takot ang lahat kasi mahaba haba rin un na nasa gitna kami ng karagatan.
.
We were at the beachfront of Pundaquit Island



The Pundaquit Beachfront


Riding a boat while taking this picture

Top View of Pundaquit Beach
.

7:30am, May 1, 2009 : ANAWANGIN COVE
.
Anawangin Cove according to the people in Zambales, is a crescent shaped cove that has an off-white sand and an evergreen forest near the seashore. What makes the place unique is the unsual riddle of tall pine trees around the vicinity. Behind the said forest is a small stream that flows out to the sea. The sand in Anawangin cove is purely Mt. Pinatubo lahar. The pine trees, (actually Agoho trees) did not exist in the area before the eruption of Mt. Pinatubo. Looks like the ash fall somehow brought with it Agoho seeds as well and they grew into the forest we see at Anawangin today. No roads leading to the said Cove, that is why it is only accessible by a 30 minute boat ride from Pundaquit, San Antonio or by a six-hour trek through open trails in Pundaquit range. There are no commercial resort in the Islands with just a few huts and deep wells.
.

The Anawangin Cove




Its me in the sand..

There are no facilities in Anawangin Cove. That’s why we only bring personal things and food for our lunch and merienda. Please be also reminded to bring your own purified water to drink. As we go along the shore, marami na rin palang pumupunta ditto at nagtatayo ng tent for an overnight sleep. We only decided to stay at the cove until 6:00pm. Mahirap kasing magbangka pag gabi na sobrang lakas ng mga alon.

Top View of the Pine Tree


The Tents of the Hikers along the Pine trees


The river along Anawangin Cove



.

6:00pm- Bumalik kami ng Pundaquit Beach dala ang ang masasayang alaala at adventure na naiwan namin sa Anawangin and we promise to come back soon. Advise lang sa lahat kung takot kayo sa malalaking alon. Huwag nyo na pagisipan umuwi ng 6pm kasi nakakatakot talaga ang mga alon. Roller Coaster ride ang naranasan namin sa sobrang lakas ng mga alon. Pagkabalik namin sa Wild Rose Resort..party time! Lubus lubusin ang bakasyon, 12am na kami natapos maginuman at magvideoke. Lahat ay lasing at umaasang magigising ng maaga para sa aming next Island hopping.

.

Day 3, 8:00am, May 2, 2009

.

Dahil lasing ang lahat..kaya late kami nagising. Nagdadalawang isip pa kami kung tutuloy pa kami for the next Island hopping. Pero agad agad na nagdecide since nandun na kami lahat. Diretso kami sa Camara Island.
.
8:15am- CAMARA ISLAND
.
Camara Island can be seen from the shore of Pundaquit in San Antonio Zambales. The island is a big lump of rock, with very little soil. Its rock walls are good for climbing that mountaineering clubs hold rapelling activities here.Trees aren’t that many but because of the rock formations and angle of the island, it’s not hard to find shade and scenic spots for a great photo shoot. The island has two sides separated by a white sandbar that becomes visible during lowtide. Sad to say we did not witness the sandbar because it is high tide when we got there. The island has a lot of seaweeds in the sea shore mainly because no one maintains it.




12:00nn- CAPONES ISLAND
.
Capones is famous for its average yet manageable surfs. It is nearby the shore of San Antonio. This island house the Faro Capones, a still functioning Spanish-era lighthouse. Overnight stay is allowed but with prearranged pickup with a boatman. The island has a crystal clear water along the beach yet you may enjoy swimming, snorkel and explore the surroundings by simply walks and discover the natural beauty of it.




.
2:00 p.m.- We decided to go back the Wild Rose Resort. It was an exciting and adventurous summer trip to this wonderful island. Hope I could come back in this places for the next years to come. Im sure everyone will cherish all the memories brought by our trip. Until now I still in the midst of mesmerizing with the fascinated beauty of the beaches.
.

Buhay Probinsya

Author: admin // Category: , , , ,
.
Ilang taon na rin ang nakararaan nang ako’y huling umuwi at magbakasyon sa aming probinsya sa Zambales. Eto ako ngayon at muling binisita at inalala ang aking mga magandang alaala dito sa bayan ng Sta. Cruz lalo nung ako ay kabataan pa. Mula sa 6 na oras na byahe galing Maynila, habang binabagtas namin ang daan..ilang kilometro na lang ay malapit na sa aming mumunting bahay. Banaag ko ang malaking pagbabago at pag-unlad ng nasabing lugar. Hindi ko na halos matandaan ang mga palatandaan na malapit na kami sa aming bababaan dahil sa dami ng mga bahay na nakatayo sa paligid. Ang dating puro puno ng saging, at masukal na kagubatan, ngayon napalitan na ng dikit dikit at naguumpugang mga bahay.
.
Minsan naiisip ko, masarap pa rin mamuhay sa probinsya. Sabi nga nila, malayo sa usok, sa polusyon, sa ingay at sa gulo na rin. Bagamat dikit dikit na ang mga bahay dito. Bakas pa rin ang katahimikan ng paligid na animoy lahat ay nahihimbing sa pagtulog kahit katirikan ng araw sa tanghali. Pagbaba pa lang ng sinasakyan naming bus, bumungad na sa amin ang mga tiyahin at mga pinsan ko na minsa’y naging kasama ko sa aking paglaki.Pinagmasdan ko ang lupang minana pa namin sa aming mga lolo at lola. Nakakamiss ng husto ang Lipay. Una ko agad tinanong kung papaano pumunta sa dagat na halos lagi ko nang nakagawiang puntahan kapag nagbabakasyon ako duon.
.
Ilang minuto lamang ay narating na namin ang dagat. Kay sarap ng simoy ng hangin, walang katao tao na animo’y iyong iyo ang lugar. Palatandaan sa akin ang malaking bato sa gitna ng dagat na kung tawagin at Bato ni Barang. Sympre, malilimutan ba naming ang lagi na naming kinagawian pag pumupunta ako sa dagat na iyon… yun ay ang manguha ng mga shells at mga bato. Pagsapit ng hapon, napilitan na kaming umuwi baka kasi kami abutin ng dilim sa daan. Sa lugar na iyon, wala pa rin pagbabago. Ganun pa rin ang lubak lubak na daan at masukal na kagubatan. Sa katahimikan ng lugar, di pa rin maiwasan ng magpipinsan na magkatakutan sa kung anuanong engkanto at aswang ang nagpapakita at nagpaparamdam duon.
.
Pagsapit ng gabi, ang mga inaabangang kong mga pagkaing probinsya ang nadatnan naming sa hapag kainan. Samut saring isdang malalaki, mga gulay na at iba pang kakanin na minsan ko lang makain sa Maynila. Natawa na lang ako ng sabihin sa akin ng pinsan ko na sa bayan daw ay may internet na. Siguro nga kahit sino at kahit saan ay may pagbabago na rin at may konting pagunlad. Ang tao kasi ay patuloy na natututo at patuloy pa rin uunlad. Kayat heto ako nagawa ko pa rin maginternet ang magpost ng entry sa blog ko.
.
Sa 3 araw na pamamalagi ko sa lugar na ito. Marami akong mamimiss. Naisip ko rin na minsan hindi naman talaga kailangan ng tao ang karangyaan para mamuhay. Nasasaatin lang kung papaano tyo mamumuhay ng simple ngunit masaya. Pagbalik ko sa amin sa Maynila, babaunin ko ang isang magandang alaala. Isang simpleng pamumuhay. Isang payapang paglalakbay..at ito ay ang Buhay Probinsya!
.

Summer Outing at Lagos Del Sol (Part 2)

Author: admin // Category: , , ,
It was a happy and tiring Company's Summer Outing at Lagos del Sol, Cavinti Laguna. Kelangan maagang gumising para hindi maiwan..actually late na nga ako sa call-time. Past 11:00AM na kami nakarating sa resort due to traffic and kasi..naligaw kami! 11:44AM, we arrived at the resort. Sobrang init and medyo gutom na kami..but still we need to run a program..and nagkaroon kami ng mga fun games. Past 12:oonn we had our lunch time. Infairness masarap naman ang mga food that the resort prepared eventhough mga typical lang na pagkain na usual na hinahanda sa house during lunch time. 1:00pm onwards is our free time and our moment to take rest and feel the ambiance of the resort. Malas lang at umulan ng malakas ng mga 3:00pm. Di na namin napansin ang ulan kasi masarap ang halu-halo and lugaw na handa during our snack time. The big event is during dinner time. We were in the pool side that night and after the dinner, an exiting program started in which every group presented their cheer and dance number. Suppose to be umaga un before the game pero kasi ung ibang group eh di pa prepared. Part of the program also is our version of Wowowie's Hephep!!! Hurray!!! Well most of my officemates dont know how to play the game. Kaya lahat ng participants mejo pressured. And the rest of the evening, videoke time and inuman session. Lahat lasing..lahat masaya.. But we are so thankful that inspite of the recession and sobrang pagtitipid..we still made it to come up with a summer outing. Kudos to the recreation committee who gave their effort and time for making this company activity possible. Now i'll give you a preview of the resort and it's landscape.


"At the reception area"



"The Swimming Pool Area"



"The Lake Caliraya View"






" Kayak Sport Activity at Lake Caliraya"