.
7-day vacation leave..eto ang naifile ko sa office para lang makapagpahinga at magbakasyon sa Zambales ng tatlong araw at pumunta sa Puerto Galera ng Weekends. Abangan nyo pala ang buong detalye ng aking kwento at karanasan sa Puerto Galera. Ngayon eto ako balik sa bangko na pinaglilingkuran ko. Tambak ang trabaho lahat napending nang ako ay magbakasyon. Bagamat nakakapagod..pero ganito ang buhay, kelangan kumita at kumayod dahil kung hindi..kawawa ako at gugutumin ang pamilya ko.
.
Pagpasok pa lang sa office lahat na bumati ng “Welcome Back”. One-on-one meeting agad sa boss ko tungkol sa mga nangyari sa mga nagdaang araw. Pagkatapos balik sa desk para simulan ang tambak na trabaho. Eto ang buhay ng isang bangkero. Maraming pinaglilingkuran, maraming sineserbisyuhan. Maraming pera sa bangko pero sa kumpanya un at hindi sa akin. Lingid sa kaalaman ng lahat, kapag nasa bangko ka raw malaki ang sweldo. Well magtanung tanong na lang kayo sa mga kakilala nyo. Minsan talaga maiisip mo…”pede bang umupo na lang at magtutulog sa bahay pero kumikita ka pa rin ng pera?”. Ngunit alam nating lahat na imposible yun.
.
Isang araw na lang at long weekend vacation na ulit. Muli akong magpapakasaya sapagkat eto ang araw ng aking 4th summer escapades. Pupuntahan naming ang Isla ng Anawangin sa Zambales ulit. Malapit lang ang bahay bakasyunan naming duon pero hindi ko pa sya napupuntahan kahit kelan. Kaya ngayon eto ako sabik na magenjoy.